Chapter 3

31.6K 539 27
                                    

Mall

~

Akesha POV

Ang saya talaga kahapon. Unexpected talaga..

Dahil dakilang assumera ako. Iniisip ko kaya hindi nakinig si marco para sulyapan niya ako.

Kahit very very light. Di naman siguro siya madamot.

Well, ano pa ba routine ko. Gigising nang maaga.

Aalis ako nang 5:30 sa bahay. Sasakay pa ako nang jeep. Dahil hindi naman pwede gamitin yung kotse namin.

Kaya ang ending late ako nang 2 mins. Huhuhuhu.

Pero depende parin yun sa mga jeep. Minsan kasi magpapasakay pa kahit wala nang sasakay o di kaya pinupush pa nila na kasya pa.

Medyo nakakaloka ah! Alam ko di lang ako ang nakakaranas nang ganong sitwasyon. Nakaka-haggard kamo.

Tapos kung magpapaexplain ka sa teacher mo bakit ka late.  Syempre common na sa isang studyante yung word na "Traffic po" i hyt drugs.

Well, daldal ako nang daldal.

Papasok na ako sa school. Thanks God medyo mabait-bait din ang nasakyan ko. Kaso kung makaharurot akala mo may Car racing este Jeep Racing..

Bumati ako kay manong guard . Kahit ang tagal ko na dito. Hirap talaga pakisamahan. Kailangan mo pa magpabebe.

Second Floor , Right tapos nasa dulo ang room ko.

Ang saya noh'

Well , ganun talaga. Pero pagpasok mo kahit 6 am ang start nang class. Wala parin ang teacher namin sa first subject. Kahit nandyan naman siya nagpapalate--- tapos kapag mag time na. Magextend pa yan minsan nang 5 or 10 mins. Kaloka diba. Sakit sa utak.

Speaking of First Subject. Wala siya-- kaya kailangan namin bumaba para sa second subject dahil may tle pa kami.

Cookery ang kinuha ko. Pero ang ending sa wellness massage ako napunta dahil limited lang ang tao sa cookery atsaka kung ano course mo noong third year ganun din hanggang Fourth.

Kahit nakakaboring--- sege. Kahit bagsak ako--- sege parin.

Lumipas ang dalawang subject.

Dahil ganado ako kanina sa math. Edi , pinush ko.

Ayaw na ayaw ko yan. Pero nagulat ang mga bruha sa akin.

Dapat lang-- dahil ano.. Ano kasi may inspiration.

Di na ako nagexpect na mangyayari yung katulad na kahapon.

Break Time na...

Bumili lang ako nang tubig at donut. Sabay akyat na.

Mas sanay ako, dito sa room kumain. Kunti lang ang estudyante.

Nang lumapit sa akin yung Japanese naming classmate. I mean half -japanese na si Furukawa.

"Kesh , dahil ikaw yung napili ni sir na mag-edit. Alam ko di ka marunong. Pero tiwala ka lang!"

"Hard mo naman sa akin. Sege, I'll try my best" iiyak na ako. Dahil hindi naman ako magaling sa ganyang bagay eh!

Kumain lang ako. Bawat kagat ko. Parang may nagmamasid sa akin.

Eh, itong mga bruha. Busy magtsismisan.

Pagkatapos kong kumain.

Aba' nawala sa paningin ko yung dalawa. Saan naman nagsulpot.

Ilang minuto nalang magsisimula na ang susunod na klase

The Gangster's Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon