CHRISTMAS PARTY
-- 2 weeks later.. -
"Ang ganda ko ngayon" sabi ni anne. With paikot-ikot portion pa siya.
"Oo, ngayon lang. Hindi kahapon at hindi bukas. Ngayon lang" pambabara ni thea.
Natawa nalang ako sa inaakto nila.
"Tara, na nga sa school. Diba kakanta pa tayo sa may stage"
"Oo, nga. Hindi pa naman natin alam kung pang ilan tayo."
Umalis na kami sa condo ni thea.
Napapadalas na kami ni anne dito kanila thea. Dahil mag-isa lang si thea. Sayang din , baka pag-pasko na ay umuwi muna ako sa bahay.
School
"WOOAAAAAH" bungad agad pagpasok naming tatlo sa classroom namin.
Di pa naman gaano karami ang mga tao.
Kaya yung iba nagselfie na.
Yung iba naghahanda sa performance mamaya.
"Hoy, mukhang bad timing" sabi ko sa kanila.
"Bakit naman?"
"Medyo masakit lalamunan ko tapos" waaaaah. Medyo hindi maganda ang boses ko. Mapapaos pa yata ako nito. Paano na ito , ayaw ko pa naman ipahiya ang mga kaibigan ko dahil lang dito sa sitwasyon ko.
"Omyghaaad. I know na ano sitwasyon mo."
"Kung ano lang kaya mo. Ayun lang, wag mong pilitin."
Napatango nalang ako.
Bumaba muna kami. Iniwan muna namin ang gamit namin sa may room.
Abala ang iba , para sa performance mamaya.
"Okay, Good morning. Students" sabi nang MC Student.
"So, let's start. Be ready singers and dancers"
Pagkatapos magsalita nang MC. Lumingon ako agad kanila thea at anne.
"Paano yan? Waaaaaah" naloloka na ako sa boses ko.
"Okay lang yan." Pagcheerup sa akin ni thea.
"Nakakahiya."
"San ka naman nahihiya, anne."
"Sa kanta natin?!"
"Pabayaan mo na , sa school lang naman tayo maghahasik nang lagim."
Tinatawag na yung mag performance. Habang may nagperform. Walang katupasan na paginom ng tubig. Baka maiihi ako habang nakanta.
"KeshTheAnne" hala. Tinawag na kami.
Pumunta na kami sa stage.
Wala pa naman gaano katao sa school kaya medyo nabawasan ang kaba ko.
Habang nakanta kami. Wala naman gaano nanood sa amin.
Pagkatapos nang performance namin.
Napa-buntong hininga nalang ako. Finally natapos na din ang kaba ko.
At sunod na tinawag ang 6Aces.
Naghiyawan ang taga third floor. Madaming naglabasan na estudyante.
Sakto pa sa mga bagong dating na mga estudyante.
Halos mabingi na ako sa hiyaw at tili na nasa paligid ko.
Umakyat ako , patungo second floor. Para maaninag ko sila at para din makita ko sila sumayaw.
BINABASA MO ANG
The Gangster's Love
RomanceHIGHEST RANK: #19 In ROMANCE 💕 © All Right Reserved 2016