Chapter 53

9.4K 181 29
                                    

SPG
---------

Akesha's POV

Ang sarap ng hangin, maaga ako bumangon dahil iba talaga simoy ng hangin dito. Sakto pasikat na ang araw, lumingon ako at napa-ngiti sa nakita ko.

Ang ganda naman ng view ko dito, parang ang sarap pagmasdan itong katabi ko kaysa sa araw.

Gawan ko kaya siya ng breakfast?

Hmm.. Panigurado, gising na ang iba. Saan kaya sila natulog? Pagod na din kasi kami. Siguro ay kung saan-saan nalang sila pumasok sa kwarto na ito.

Ang ganda ng rest house ni hendrix.

mamaya nga ay pupuntahan ko ang dagat na sinasabi ni hendrix. Maganda daw tumambay kapag palubog na ang araw.

lumabas muna ako, mukhang luma ang labas ng rest house ni hendrix. Gawa yata ito sa puno ng narra.

Dahil napaka-unique niya.

Di katulad sa iba ang bongga ng rest house.

Naamoy ko agad ang prito tuyo at itlog.

"Morning, kesha. Magkatabi nanaman kayo ni bebeloves mo." pang-aasar sa'kin ni vince

"Hoy, vince. Tigil-tigilan mo nga yan, tignan mo nagiging kamatis nanaman yan." sabi ni thea.

"Kukuha lang ako, dun nalang kami kakain ni marco." sabi ko.

"Grabe na this." grabe talaga ang pang-asar sa'kin ng mga kabanda ni marco.

Kumuha ako ng tuyo na madami, dahil mukhang masarap tapos ginaya ko ang ginawa ni calix na sawsawan.

Nag-hiwa ako ng kamatis tapos naglagay ako ng toyo.

tapos dinamihan ko ng fried rice.

Tinulungan naman ako ni anne na magdala ng pagkain.

pag-punta namin sa kwarto, tulog parin si marco.

nilapag namin ang pagkain.

"Salamat, anne."

"May naganap na ba?" sabay siko sa'kin.

"Gaga, wala. Ikaw, mag-kwento ka nga about kay jake."

"Later, babaita. Hihilahin kita sa baby marco mo."

"Letche. Sege na, gumora ka na."

"Sus, sege babosh" sabay beso namin.


nilapitan ko naman si marco.

"Ang gwapo mo talaga, kaya mahal na mahal kita. Kasi, ikaw lang yung lalaki nagpatibok ng bongga sa puso ko. Ikaw sana ang una't huli lalaki, dahil kung mangyari yun. Ang saya ko, kasi yung pinakamamahal ko noon pa man, kasama ko hanggang sa pagtanda." sabay halik ko sa kanya sa noo.

"Ikaw lang, habang buhay akesha."

nagulat ako at napa-atras pero hinawakan niya ang kamay ko at hinila niya kaya nag-kiss kami.

"Ganda ng morning ko." sabay inat niya.

hinampas ko siya ng mahina.

"Ewan ko sa'yo marco, tara nagdala ako ng pagkain."

"Ang sweet naman ng baby ko."

kinikilig ako.

"Kunin ko lang."

tapos pumunta na ako sa table at iniisa ang dala ko pagkain dahil wala na si anne.

"Mukhang masarap, gising na ba sila?"

The Gangster's Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon