Chapter 44

11.4K 234 26
                                    

Akesha POV

Bumangon ako na masakit ang ulo, di ko maigalaw ng maayos ang aking katawan dahil sa sobrang bigat ng nararamdaman ko.

nagulat ako sa sigaw na bumungad sa akin, anong oras na ba at ang ingay naman nito.

gusto ko pa sana humiga at matulog dahil di ko alam anong nangyari sa'kin.

"AKESHA COLLINS. MAGPALIWANAG KA NGA SA'KIN"

sinasabihan ko siya na manahimik at wala akong idea kung sino man yang kupal na yan na pinapagalitan ako. Alas-Onse palang ng umaga, anong trip nito!

"Akesha, Babangon ka o Babangon ka!"

"Ano ba kasi yun, bad trip ka kamo!"

"Baka di mo napapansin kausap mo ngayon!"

"Sino ka ba?"

"Althea Jimenez lang po!"

nagulat ako at biglang sumakit ang ulo ko.

"Aray." sabay hawak ko sa ulo ko.

"Ano, kaya pa! Iinom ng hard drinks, lumabas ka na nga at madami pa tayong pag-uusapan!"

umalis na siya at pinilit ko ang sarili ko na tumayo at maglakad na parang zombie.

"Umayos ka nga, akesha! mukha kang tanga. Mag-tali ka ng buhok mo!"

"Dami mo namang arte, thea."

"Ganyan ka na ah! humanda ka sa'kin"

"Hehehe, peace!" sabi ko na parang ewan at umupo sa upuan at kinuha ang kape.

"So, what?"

"Anong, So what? ka dyan, anong sumapi sa'yo at umagang-umaga umiinom ka!"

"Pake mo ba?"

"May pake ako kasi kaibigan mo ako!"

"May problem lang."

"Ano? di ka naman ganyan dati, pupunta ka pa nga dito sa condo ko para makipag-kulitan para makalimutan yang problema mo, kaso ngayon alak na ang solusyon?"

"Dun ako masaya e'"

"Pero di mo naman kaya."

"Ai. Ewan!"

"Ano ba problema mo, maliban kay marco na di pa kayo nag-aayos, until now?"

"Family. teka nga, ba't alam mo di pa kami okay ni marco."

"Kaibigan mo ako' edi sana di ka papayagan ni marco uminom sa bar ng umaga. basic lang."

"Dami na nga problema, sermon pa sa umaga."

"Mahal, wag mo naman ganyanin si kesha. Malay mo di na mauulit."

"talagang, di na mauulit"

sabay lagay ni lance ng pancake sa lamesa at walang gana kong kinuha at nag-lagay ng syrup.

"Sya nga pala, maligo ka. May aayusin tayo!"

"Ano nanaman yan?"

"Gusto mo ba magka-ayos kayo?"

"Gusto, teka nga. Gulo mo!"

"Ewan ko sa'yo basta after that, maligo ka na! para hapon na tayo makarating dun."

"sege lang."















nang matapos na ako maligo at nakihiram lang ako ng damit ni thea, umalis na kami at patuloy parin ang pag-idlip ko sa kotse kaso lagi nakatingin si thea at pinapagalitan ako na 'tirik na ang araw, matutulog ka pa.'

The Gangster's Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon