Chapter 33

13.8K 249 5
                                    

Naiiyak ako sa tuwa, pumunta naman ako kung saan naka-park si thea.

kinatok ko ang bintana.

"Oh' anong nangyari?"

"Punta daw kayo, dun."

"Nakakahiya."

"Ngayon ka pa nahiya anne. Sege, dyan ka lang. Iwan kita dito." sabi ni thea.

"Joke lang naman, baba na ako."

bumaba na sila at nag-lakad patungo sa gate, kung saan kami hinihintay ni dad.

"Oh' ang gaganda naman ng kasama mo."

"Haha, Tito naman, Maliit na bagay" sinabi ni anne

"Tara, nag-paluto ako sa katulong."

pumasok na kami, namangha na ako sa labas ng bahay ni dad. Ang puti at alaga talaga pero nang makapasok na kami Black and White ang interior and may mga book shelf pa.

Mukhang elegante pero ang linis.

"Sorry, medyo magulo."

Pagkasabi ni dad, kaming tatlo nagka-tinginan pa at napa-what look pa.

Kasi naman saang banda magulo dyan? Eh' ang linis-linis nga e.

ng may aso na lumapit sa akin. Ang cute kaya binuhat ko ito at umupo sa sofa.

Pagka-upo ka may lumalabing na pusa sa may binti ko kaya kinuha ni thea at pinaglaruan nila ni anne kasi ang cute ng mata green and blue atska pure white at mabalahibo habang itong hawak ko beagle.

"Inum muna kayo, kinukulit ba kayo ng mga anak ko."

"Dad."

"Just kidding, sila lang naman kasama ko dito sa bahay. Sila lang naman ang nagpapa-tanggal stress ko."

"Ano po mga name nila tito?"

"Si Akira yang hawak niyo habang yang hawak mo anak si lex"

"Lalaki ito dad?"

"Yes, by the way. Paano mo nalaman na nandito ako."

"Napanood ko po kayo sa t.v, unexpected lang po yun and then gusto ko na talaga sumugod duon kaso pinigilan ako ni kuya and nagka-iyakan pa sa bahay at inalam ko po talaga kung saan ko talaga kayo matatagpuan. Salamat sa secretary niyo."

"Naka-uwi na pala ang mama at ang kuya mo, kamusta naman sila?"

"Okay naman po, may office po sa makati at si kuya ang nag-aasikaso."

"Kung ganun ay hindi ka pala nila pinabayaan, pero bakit sa public ka nag-aral nung high school ka?"

"Dad, paano mo nalaman."

"Wala nang hula lang ako, so tama ang hula ko na sa public ka nag-aral?"

"Gusto ko lang po ma-experience and don't worry dad. Sa private na po ako nag-aaral and ibang school na po di katulad nung nasa grade school ako."

"Mabuti kung ganun."

"So... dad. Mahal mo naman si mommy, diba."

"U--uhh. Girl, Akin na yan si lex. Tito, sa garden lang kami ah!" sabi ni anne.

"Sure." sagot ni dad

binigay ko naman si lex kay anne. Sarap pa naman ng tulog ni lex sa lap ko.

Di pa sinasagot ni dad ang tanong ko.

"Dad?"

"Yes, anak?"

"Sabi ko kung mahal mo naman si mommy diba?"

The Gangster's Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon