"Welcome to the Sitio bayanan, Brgy. Ilijan , batangas city." sabi ng babae.
Sabay abot sa'min ng drinks.
Best Sembreak Ever.
Entrance fee
ADULT- 150
KIDS-100*proper swimming attire
Not bad.
Tapos pumunta na kami sa mga room namin.
Magkasama kami ni marco.
yung 6 aces sa isang room.
Sila Hendrix, Jake, Thea and Anne magkasama sa iisang room.
Good for 1 week kami sa batangas.
Kaya susulitin namin.
Nang nasa kwarto kami, inayos ko muna ang mga gamit ko.
"Babe. Lalabas lang ako." paalam ni marco sa'kin.
Tumango nalang ako at pinatuloy ang pag-aayos.
ng matapos ko na ay nakahilata ako sa kama.
Saraap sa feeling, di ko namalayan na nakatulog ulit ako.
Marco's POV
Pagkalabas ko sa kwarto namin ni kesha, agad ako tumungo sa kwarto ng mga kaibigan ko.
"Oh' pre, nasimulan mo na ba ang honeymoon niyo?" pang-asar ni Gaby
"Ulol ka ba?" sabay bato ko ng unan.
"Pero seryoso, nasimulan mo na ba sabihin sa'kanya?"
bigla ako natahimik.
"Gaby, di ganun kadali." sabat ni jerome.
"I know, pero look. Sino ang MAS mahihirapan? Si kesha diba... Sino ang MAS masasaktan? Si kesha diba... Pre' kung ako sa'yo. Kung nasa tama ka, sabihin mo. Dahil kahit anong mangyari, kahit mahal mo ang isang tao... kailangan talaga mag let-go!"
binato naman siya ng tatlo ng unan.
"Makapag-advice akala mo talaga, eh! So meaning mahal mo pa si ciara, kaya mo iniwan. Atska parehas lang sila masasaktan at mahihirapan kung papatagalin pa ito." tanong ni Rex
"Pre' iba naman kasi sitwasyon namin ni ciara kaysa sa sitwasyon ni marco."
"Ewan." tangi sabi ko.
"Ayaw ko i let-go si kesha, alam niyo yan. Saksi kayo sa pagbabago ko. Natuto ako mag-mahal nang dahil sa'kanya."
"Nandito lang kami." sabi ni jerome.
"Maayos din ang lahat." sabat ni Vince na kakalabas lang sa banyo.
"Narinig mo?" takang tanong ni gaby.
"Alangan, abot edsa pa yata yung boses niyo. Daig niyo pa ang babae sa sobrang lakas niyo mag-kwentuhan."
"Anong gusto mo? mahinhin, gago ka ba?" sabi ni rex
bigla kami nagtawanan. Hayup, barado nanaman si vince.
Akesha, sana maintindihan mo ako.
Akala ko 2 months... pero bakit ganun? Ang damot ng diyos sa'kin... bakit? Sa kunting panahon pa kita makakasama.
Naiiyak na ako, bullshit. Pero di ko naman pwede ilabas ang luha ko sa harap ng mga kaibigan ko.
Parang ayaw ko na balikan ang pinag-usapan namin ni mom, kahapon. Pero paulit-ulit sa isipan ko.
Flashback...
Birthday ni thea, dadalo ako dahil naging matalik naman kami magkaibigan dahil kay kesha.
BINABASA MO ANG
The Gangster's Love
RomanceHIGHEST RANK: #19 In ROMANCE 💕 © All Right Reserved 2016