Chapter 12

18.2K 431 8
                                    

Valentine's Day

~

Few days ago...

Hindi ko talaga makalimutan nung isang araw na magkasabay kami pumasok sa school ni marco.

Anong mukha ang ipapakita ko sa school?

Baka pagtsismisan nila ako , kung ano-ano. kahit hindi naman totoo.

Parang nasa showbiz ako , na ang daming tao dapat maka-alam sa status ni marco.

Nandito ako sa may kitchen.

Maaga akong bumangon , dahil nga sa kaganapan na hindi pa ako nakakapag-move on. Nakapag-bihis na rin ako , gusto ko maaga akong pumasok para kunti lang estudyante or better ako ang unang tao dun.

"Ija , ang aga mo ngayon. May gagawin ba kayo?"

"Yaya , anong date na po ba?"

"February 14. Bakit?"

"Srsly. I need  to go , may event po kami."

Haist. Nag-effort pa ako maagang magising para wala akong kasabay na estudyante. Wrong timing may event pala kami kaya walang kwenta ang pagbangon ko ng maaga.

Sumakay na ako ng jeep. Usual na ginagawa ko.








Pagdating ko sa school. Lakas ng speaker ang maririnig mo sa may ground area.

May mga booth na nagkalat sa gilid.

May policy ba na isusuot? Kasi yung iba naka t-shirt na ibang kulay.

Pipili ka bago ka makapasok sa gate. What the hell?

Nang nasa gate na ako.

"Anong status mo ate. Tignan niyo po dito sa banner kung what color ang susuotin niyo. "

Tinignan ko naman ang sinabi ni ate.

Black for Bitter
Red for in a relationship
Yellow for happiness
White for single
Gray for it's complicated

Ano kaya pipiliin ko?

"Hm? White nalang po."

Binigay sa akin ni ate. Wow , free shirts. Anong nalamon ng school namin at may pa-sponser.

Nakapasok na ako sa gate at agad nagpalit ng uniform sa cr.

Ano kaya pinili nung dalawa?






Pumasok ako sa room. As usual ang ingay ng classroom namin. Akala mo may World War III.

"Kesha? White t-shirt napili mo. Ang daya naman." Panghihinayang sinabi ni anne.

"Hahaha. Bitter ka kasi."

"Huhuhu."

"Sinabi ko sa'yo na magputi ka. Kasi alam kong puti ang pipiliin ni kesha"

"Okay na yan , para naman kayong ewan? Pati kulay ng damit pinag-aawayan niyo." Sabi ko.

"HOY MGA KUPAL. MAGSIBABA-AN NA KAYO. BAKA NAKAKALIMUTAN NIYO MAY EVENT PARA SA VALENTINES HINDI EVENT PANG-PUTUKAN KAYA UMAYOS-AYOS KAYO. KUNG AYAW NIYO MAKABUO. OH' SIYA YUNG 6 ACES AY MAG PERFORM. KAPAG OKAY NA ANG LAHAT NG ESTUDYANTE SA GROUND AREA."

Putak ng feeling president namin.

Umalis na ang ibang estudyante. Aliw na aliw dahil mag-perform ang 6 aces.

"Hoy, babae. 6 aces meaning fafa marco andyan na si mama kesha"

Aba' nyetang babae ito. Ginawa akong nanay.






The Gangster's Love Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon