D'Vlad 10

1.9K 64 2
                                    

Kharis' POV

I told Astrid na lalabas ako dahil nga kumakain pa siya ng pagkain niya at tsaka may bawang yun so I used it as an excuse. I can actually bare with it.
Hindi dahil sa amoy ng bawang kaya ako lumabas kunde dahil sa amoy ng isang pamilyar na bampira.... Si Kyran.

I'm pretty sure papunta siya sa direksyon namin. Naamoy ko ang pakay niya. Sigurado akong pinadala na naman siya ni Cerberus.

Wala akong mukhang maihaharap sa kanya dahil hanggang ngayon di ko parin nakukumbinsi si Draven na bumalik sa kapatiran. Lalo pa't pakiramdam ko masaya si Draven sa pagiging malaya niya. At ayaw kong nakialam sa mga gusto ni Draven. Ang totoo? Napapaisip ako...... Ano kaya kung kumalas na rin ako sa kapatiran?

Pero?.... Hindi ako tulad ni Draven! Hindi ako kasing lakas niya para kalabanin si Cerberus.

Nung lumabas ako nagtago agad ako sa gilid ng pader na katabi lang ng cafeteria. Nakita ko si Astrid na lumabas na parang may hinahanap. Hinahanap na niya siguro ako. Maya maya pa dumating si Kyran.
Nakita ko silang dalawang nag-uusap. Magkakilala pala sila?

Habang nag-uusap sila ay umalis na agad ako sa lugar.

"Sorry Astrid, see you later" sabi ko sa sarili ko at saka parang usok na nawala sa hangin.

Umuwi na muna ako sa bahay no! sa bahay pala ni Draven. Doon naabutan ko si Amaia at si Trist na?

Naghahalikan! Eeeww!

Ambata bata pa nila! Tignan! Pero matatanda na talaga sila.

"Amaia? Tristram?!" Nabigla silang dalawa sa pagdating ko kaya agad silang napahinto.

"Ah?... Ah Kharis... Hahahaha" nauutal na bati ni Amaia sakin.

Bakit parang natataranta sila? Eh matagal na naman naming alam na may relasyon sila? Hayyst.

"Hayy naku Amaia. Baka kung saan pa kayong dalawa umabot. Hahahah" biro ko.

"Malapit na nga sana eh" pabiro namang sagot ni Trist. BOOGGSS! biglang nagkalat ang mga basag na piraso ng flower vase matapos hampasin ni Amaia ng vase ang ulo ni Trist.

"Aray naman, nagbibiro lang naman ako!" Paliwanag ni Trist sa kanya habang hawak ang ulo upang pigilan ang pag-agos ng dugo.

Hahahaha nakakatuwa silang dalawa para silang mga bata. Kapag nag-aaway sila halos magpatayan na silang dalawa. Sa huli... Sila sila rin naman ang mag-aalala sa isa't isa.



"Amaia? Trist? Akyat muna ako. Patuloy nyu na ginagawa nyu." Sabi ko saka naglakad na paakyat ng kwarto ko.

Matutulog nalang muna ako.

Gusto ko na munang magpahinga.






Third Person's POV

Madilim ang buong silid nababalutan ito ng makapal na pader at wala itong niisang bintana o kahit konteng butas sa pader kaya wala kang maaninag na liwanag mula sa labas, mayroon lamang itong napakalaking pinto.

Sa loob ng silid na iyun ay wala kang Makikita mo lang ang limang paris ng mga lumiliwanag na mata. Mata ng mga bampira.

"It seems like someone's not here yet" mungkahi ng isang lalaki.

"Si Lucious ba ang tinutukoy mo?" Sa gitna ng dilim nakakaya nilang makita ang isa't isa.

"Hindi, tinutukoy ang successor niya."

"Si Kali huh!" Sagot ni Cerberus.

Maya Maya narinig ng lahat ang malakas na pagbukas ng pinto. Umalingawngaw ang tunog nito sa buong silid kung saan nagtitipontipon ang mga pinuno ng bawat distrito. Ang anim na pinuno ng anim na distrito ay siya ring nagsisilbing mga myembro ng Council Of Protectors.

D'Vlad: THE VAMPIRE & ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon