Hunter/Draven's POV
Kumaha ako ng lampara at nagsimulang maglakad papunta ng basement. Binuksan ko ang unang pinto, sa likod ng pintong ito ay ang lumang library. Pagbukas ko ng pinto bumungad agad sakin ang maalikabok na silid at ang amoy ng mga lumang libro. Matagal tagal na rin noong huli akong magtungo sa lugar na ito. Naririnig ko ang huni ng mga daga sa paligid. Hinanap kaagad ng mga mata ko ang susunod na pinto. Pero hindi basta makikita ang pintong yun.
Dumeritso lang ako sa paglalakad hanggang sa mahanap ko na ang iksaktong pader kung saan nakalagay ang pinto papasok ng kwarto ko.
Alam na alam kong ito na yun dahil sa nakadisplay na estatwa ng liyon sa magkabilang gilid.
Agad kong inikot ang ulo ng estatwang nasa kanan. Kaya bumukas ang pader.
Humakbang na ako papasok at nakita ko kaagad ang higaan ko. Sumara ulit ang pader.
Agad kong inikot ang paningin ko sa silid. Hinahanap ko ang isang bagay na napakaimportante sakin.
Astrid's POV
Nagpunta kaagad kami ni Kharis sa kwarto ko. Pagkatapos niyang dalhin lahat ng pinamili nila dito.
Nakaupo ako ngayon sa kama habang si Kharis inaayos ang mga pinamili nila. Kakainin ko na sana yung pizza kaso nahihiya ako... Paano ba naman kasi ako lang ang nito.
Pero shemay omay! Gutom na talaga ako. No choice!"Kharis? Can I eat this now na?" Napatingin naman siya sakin.
Tinitigan niya lang yung pizza.
"Yeah you can." Sabi niya saka bumalik ulit sa ginagawa niya.
"Kharis? You want some do you?" Tanong ko sa kanya.
"Kahit naman gusto ko wala parin naman akong malalasahan. Once you became a vampire your tastebuds changed that includes your food preferences."
"Sorry" sabi ko sabay kuha ng isang slice ng pizza saka sinubo.
Anchaarrrrapp! LANGIT!
"Nga pala Astrid? Don't forget to thank Draven." Sabi niya sabay bukas ng pinto at saka umalis na.
Oo nga pala magpapasalamat pa ako sa asungot na werdo na may multiple personality na bampirang yun.
Anong ugali na naman kaya ang ipapakita niya sakin? Di ko talaga siya magets.
Pero? Mamaya ko na poproblemahin yun. Uubusin ko na muna to! Graveh! Ang sarap!
Pagkatapos kong kumain nagpahinga muna ako sandali. Graveh ang busok ko na! Hahahaha...
Mamaya na muna ako magt.thank you kay Hunter pag nakita ko siya.
Teka? Puntahan ko nalang kaya siya sa kwarto niya?
Oo nga tama.
..........
Naglalakad na ako paakyat ng kwarto ni Hunter ngayon. Ang totoo kinakabahan ako.
Tanaw ko na ang pinakahuling kwarto na siyang kwarto ni Hunter. Habang humahakbang ang mga paa ko papalapit. Kinakabahan ako.
Di ko maipaliwanag kung bakit.
Sa isang iglap.... Nagflash ang mga pangyayaring naganap ng huli akong pumasok sa kwarto niya... Ang nakakatakot na itsurang yun ni Hunter.
Pero?....
Wala naman sigurong mangyayari di ba? Bakit ko ba naisip yun?
Pero kinakabahan talaga ako!
Isang hakbang nalang...

BINABASA MO ANG
D'Vlad: THE VAMPIRE & I
VampirDraven D. Vlad, is a member of the Royal Vampire clan 'Vlad', After witnessing the bloody slaughtering of his whole family, Draven left home and started a new life as a vigilant and left all his responsibility as a royal blood to his cousin, Cerber...