Astrid's POV
Alas dyes na kaya matutulog na ako. Nakaupo na ako ngayon sa kama ko nang bigla nalang nagring ang cell phone ko, i immediately grabbed my phone at sinubukang sagutin ang tawag kaya lang bigla nalang namatay ang call.
Nagkasalubong ang kilay ko. "Ano na naman kayang trip in Hunter?" Sabi ko sa sarili sabay lapag ng phone sa kama.
Ang sabi niya tatawagan niya daw ako tapos naghintay naman ako. Tapos ngayon tumawag nga siya...pinatay niya rin naman agad. Hayyyst!
Ang bigat ng ganitong pakiramdam... Di ko maintindihan. Ano bang meron samin ni Hunter?
Meron nga ba?
Ano ba kasi kami?
Di ko maintindihan ang nararamdaman ko. Di ako sigurado kung may gusto ba ako sa kanya o baka naman nakakaramdam lang ako ng pasasalamat at utang na loob sa ginawa niyang pagligtas sakin noon?
At isa pa malay ko ba kung ano ang tingin ni Hunter sakin. Ayoko namang umasa at maging feelingera pero minsan kasi pafall siya! Nakakainis!
Pero tama ba tong ginagawa ko? Tao ako! Bampira siya! Kahit na sabihin kong may gusto ako sa kanya di parin kami para sa isa't isa.
Hunter/Draven's POV
"You're Draven of the 6th district right?" Sabi ng lalaking nakatakip ang mukha na nasa harap ko ngayon.
"Yeah... So what?" Sarkastikong sagot ko.
Nakarinig ako ng mga ungol ng aso.
"Tss! Hell hounds" nasabi ko nalang.
Ano bang problema ng lalaking ito? Hinahamon niya ba ako?
"I want to test your ability your highness" sabi niya at saka inutusan ang mga hell hounds na atakihin ako.
Ang daya! Gusto niyang subukan ang kakayahan ko. Lalabanan niya ako ng personal hindi yung tatawag siya ng halimaw mula sa impyerno.
"Bwesit!" Sabi ko sabay kagat ng kamay ko.
Nasugatan ito at dumugo. Ginawang kong espada ang dugong lumabas sa kamay ko at isa isang pinaghahampas ang mga putang aso na nakapalibot sakin.Isa isa silang bumagsak matapos kong puntulin ang mga ulo nila.
Narinig kong pumalakpak ang lalaki at unti unting humakbang papalapit sakin.
"Magaling ka nga talaga" sabi niya at saka kinuha ang takip sa mukha niya.
"Tss! Sino ka ba? At para sabihin ko sa'yo wala kang karapatan na subukan ang kakayahan ko." Sabi ko sa kanya.
"Ang sakit mo namang magsalita.... Ako si Ezekheil Crimson, mula sa ikalawang distrito." Sagot niya.
Ang totoo wala talaga akong pakialam sa pangalan niya. Ang tinatanong ko ay kung sino ba siya para subukan ang kakayahan ko!
"Ngayon? Tutuhananin na nation!" Sabi niya sabay naglaho.
Anong ibig niyang sabihin?! Tsk! Kaasar!
Napatakip nalang ako ng tenga dahil sa nakakabaliw na ingay na naririnig ko.
"Arrrggghhhhh! Pambihira!" Sigaw ko.
Nakaluhod ako habang tinatakpan ko ang tenga ko.
Nakikita ko si Ezekheil na pinapalibutan ako. Pambihira naman ano ba tong kapangyarihan niya? It is some sort of illusion?
Kabwesit!
Nakikita ko siya at napakarami niya.
"Aarrrggh!" Sinubukan kong tumayo pero hindi ko magawa dahil sa sobrang ingay pakiramdam ko nanghihina ako dahil dun.
BINABASA MO ANG
D'Vlad: THE VAMPIRE & I
VampirDraven D. Vlad, is a member of the Royal Vampire clan 'Vlad', After witnessing the bloody slaughtering of his whole family, Draven left home and started a new life as a vigilant and left all his responsibility as a royal blood to his cousin, Cerber...