D'Vlad 07

2.1K 88 7
                                    

Astrid's POV

Tsk! Bastos talaga ng Hunter na yan! Alam namang nagsasalita pa ako! Bigla nalang aalis!

Naiwan akong mag-isa dito sa kwarto ko, si Hunter naman kasi parang kabuteng bigla nalang susulpot at mawawala nalang na parang bula. Nagpunta lang ba siya dito para isuli ang phone ko at para sabihing layuan ko na sila?

Tama naman talaga siya. Magiging pabigat lang ako sa kanila kasi nga tao lang ako.

Pero?

Parang napakahirap naman yata ng sinabi niyang kalimutan ko nalang sila.
Ang totoo kasi nyan sila ang una kong naging kaibigan sa college. Mahirap na maghanap ulit ng kaibigan. Kaibigan na ililigtas ka mula sa tiyak na kapahamakan tulad ng ginawa nila Hunter at Amaia na pagliligtas sakin. Naging hapunan na siguro ako ng bampirang yun kung hindi nila ako niligtas.

Haysst!

*******

Medyo late na akong nagising kaya nalate ako. Pagdating ko ng classroom hinanap kaagad ng mata ko si Hunter pero hindi ko siya nakita.

"Absent siya?" Bulong ko sa sarili.

Dapat siguro puntahan ko kaagad si Kharis sa classroom niya pagkatapos ng klase ko. Siguro naman alam niya kung bakit absent si Hunter since iisang bahay lang naman sila.

***
Natapos na ang klase ko kaya pinuntahan ko kaagad si Kharisl sa classroom niya.

"Pssst! Kharis... Kharis!" Tawag ko sa kanya habang nagtatago sa gilid ng pinto. Nakakahiya kasi nandyan ang mga kaklase nya pero wala ang teacher nila.

Nakikipagtawanan siya kasama ang iba niyang kaklase. Hindi niya ako napandin.

"Kharis!" Pasigaw ko sabay paypay sa kanya.

Nakita niya ako kaya tumayo siya kaagad at nilapitan ako.

"Bakit? Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya.

"Bakit di ba ako pweding magpunta dito?" Sarkastikong sagot ko.

Pinangliitan niya ako ng mata.

"Okay...okay! Pwedi ba muna kitang makausap? Urgent lang" sabi ko.

"Ha? Eh baka dumating na ang teacher namin" alalang sagot niya.

"Sandali lang to! Please" pagmamakaawa ko sa kanya.

"Fine! I'll ditch class nalang!" Sabi niya, parang hindi naman sincere.

"Really?... Thank you!"



*****

Nakaupo kami ngayon sa rooftop ng school building. Kung saan narinig ko dating nag-uusap sina Kharis at Hunter at inakala ko na magjowa silang dalawa. Graveh nakakahiya yun!

Nakaupo ako ngayon habang si Kharis nakatayong nakasandal sa wall.

"So? What's the urgent thing that you want to talk about?" Biglang tanong niya.

"Ah?.... Eh itatanong ko lang sana kung bakit di pumasok si Hunter"

"My God! Astrid?! I ditch my class kasi akala ko importante talaga yang sasabihin mo! Itatanong mo lang pala kung bakit absent si Hunter?"

Bakit sinabi ko ba sa kanyang magditch siya? Di naman di ba?

"Importante yun ah."

"Importante? Eh baka naman kasi?..... Namimiss mo lang si Draven a.k.a Hunter?" Sabi niya sabay sundot sundot sa tagiliran ko.

Naku ang bampirang to? Napaka ewan?

"Excuse me? Hindi ko siya namimiss okay?... May sinabi kasi siya sakin kagabi"

D'Vlad: THE VAMPIRE & ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon