D'Vlad 09

2.1K 74 17
                                    

Astrid's POV

Buti naman naniwala si mama sa kasinungalingan namin ni Kharis. Si Kharis may pagkaartista pala kung umacting di lang halata.

Nasa cafeteria kaming dalawa ni Kharis ngayon as usual nagkakape na naman siya.

"Bakit lagi kang nagkakape?" Tanong ko.

Napatingin naman agad siya sakin.

"Masarap eh hihihi"

"Akala ko ba ayaw nyu ng pagkaing tao?" Mahinang tanong ko mahirap na baka may makarinig magtaka pa sila.

"Yun nga.... Kape lang kasi ang may lasa para samin. Yung ibang pagkain at inumin ang pangit ng lasa nun!" Paliwanag niya.

Umerder ulit ako ng pagkain this time chicken!

Bigla namang nag iba ang guhit ng mukha ni Kharis. Kumunot ang noo niya at saka tinakpan ang ilong at bibig. Yung parang nasusuka siya?

"Hey?! Anong nangyayari sayo?!"

"Nasusuka ako!" **insert suka sound**

"Bakit?"

Hindi siya sumagot sa halip tinuro niya ang chicken na inorder ko.

"Allergic ka sa manok?!" Takang tanong ko ulit.

Tinuro niya lang ulit ang pagkain ko habang nakatakip ang isang kamay sa bibig niya.

Tinignan ko naman ang pagkain ko.

Chili-flavored to na may? May bawang? ALAS! allergic ang mga vampires sa garlic! Naku! Bat di ko kaagad napansin may bawang pala to?

"Oh my! Sorry Kharis"

"Labas lang ako. Ubusin mo muna yan **insert parang nasusuka sound**

Inubos ko kaagad ang pagkain ko at saka lumabas na agad. Paglabas ko hinanap kaagad ng mga mata ko si Kharis. Pero.... Hindi ko siya nakita.

"Nasan na kaya yun?" Tanong ko sa sarili habang tinigtan ang buong paligid.

Busy ang mata ko sa paghahanap kay Kharis habang nakatayo lang at hindi humahakbang. Pero di ko parin sya makita Nakikita ko lang ang mga estudyanteng naglalakad papunta sa kanikanilang rooms.

"Sinong hinahanap mo?"

"Ay baklang teteng!" Nasabi ko nalang ng bigla nalang bumungad sa harap ko si Kyran.

Bat ba parang kabute siyang susulpot kung saan?Tapos ngingitian ka niya na parang bata

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Bat ba parang kabute siyang susulpot kung saan?
Tapos ngingitian ka niya na parang bata.

"Anong ginagawa mo dito?" Supladang tanong ko sa kanya.

"Ah?..... Napadaan lang ako." Sagot niya tapos ngumiti na naman. Ano ba naman tong si Kyran? Di ba niya alam na ang gwapo gwapo niya kapag ngumingiti siya? Bwesit!



D'Vlad: THE VAMPIRE & ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon