Two

93.1K 1.3K 17
                                    

"Ang hot niya diba? I heard he's here in the Country for some business." a girl stated while staring at her phone. She looks enticed for some reason.


"He's still a bachelor according to some magazines. I wonder what he likes for a girl? Girl, look at those kissable lips... I wonder if they taste good"


"Of course! Look at those kissable lips. I'll pay a million just to taste those"


I don't want to be rude or what, but I can't help but roll my eyes after hearing them. Ang la-landi, tangina. Hindi ba nila alam na nakaka disturbo na sila sa amin? Hello, nasa jeep po kami. They can't even tone down their voices kaya't halos lahat ng pasahero ay napapatingin sa kanila. They seem not to notice dahil panay parin ang tingin nila sa kanilang mga cellphone. Trying hard pa naman sila sa mga accent nila. Bwesit.


"Shut up. You don't even have a penny to pay for a cab" bulong ko sa sarili ko, pero parang narinig nila since sumama bigla yung mukha nilang dati pang masama. Pero pakialam ko?


"Para po" I stated nang nasa tamang babaan na ako.


Mariin kong inirapan ang tatlong babae kanina bago tuluyang bumaba. 'Di ko yata kayang tumagal pa sa jeep kasama ang mga maharot na yun.


"Anyare sayo teh?"


Kaka-upo ko pa lang nang bulabugin ako ni Fei. Oo, yung baliw na kasama ko nung sabado, at sa kasamaang palad, malapit lang po ang table naming dalawa. Inirapan ko lang siya para matigil pero di man lang natinag at patuloy pa rin akong kinulit. She even raised her eyebrow on me when I finally settled down on my seat.


"Ano yan? Alagang-alaga mo yang eyebags mo't lalong lumalaki? Aba matinde ka girl. Parang mas malusog pa yata ang eyebags mo kaysa sayo, e."


Sino ba kasing makakatulog sa sitwasyon ko? Bwesit. After a long time of hiding, he finally found me. Damn it. He really had a devil of connections. Shit will start happening now. Kung sana sumama nalang ako sa baliw 'to nung sabado, maiiwasan ko pa sana ang pagkikita naming dalawa. And how the hell did he found me here anyway?


"Gosh. Baliw na yata tong kaibigan ko. Goodness!" Napapalingong umupo si Fei sa upuan nya. Bukod sa di ko siya sinagot sa tanong niya kanina, bigla din akong umiling kaya nasabi niya yun. "Wait a minute, bago ka tuluyang mabaliw dyan. May sasabihin muna ako sayo"


Biglang umiwalas ang mukha niya at napangiti nang bonggang bongga. Yung tipong halos mapunit na ang mukha nya. She looked weird. Parang tanga talaga tong babaeng to. Tsk. Pag ganito siya, isa lang ang ibig sabihin. Lalaki.


"Kinikilig ako" She shrieked weirdly.


She even held her face na parang nahihiya. I rolled my eyes at binato siya ng paperclip kaya naputol ang pag de-daydream niya. I'm sure tungkol na naman 'to sa lovelife niyang walang ka-kwentang kwenta.


"Ano ba Fire! Kita mong nag mo-moment ako dito, e." She pouted, pero agad ding umayos nang may naalala. "Teka nga, may sasabihin nga kasi ako sayo. Listen to me..."

Billionaire's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon