Forty-one

58.4K 907 24
                                    

"What else do you want to eat?"


Saglit niya muna akong tiningnan bago muling inistart ang sasakyan para umalis na. Ako naman ay maligayang binalingan ang inabot niyang plastic bag na may lamang malaking baso ng shredded corn. May nadaanan kasi kaming stall kanina kay nang nakita ko ay agad akong naengganyo lalo pa't naamoy ko na ang bango nito.


Well, he seems happy following my wimps, dahil nang sinabi ko sa kanyang huminto kasi bibili ako, he excitedly got out the car and volunteered to buy for me.


"Wala na,"


"Alright,"


Papunta kaming opisina dahil kailangan ko pang balikan ang gamit ko doon. He's against the idea at first at mas gusto niya na lang sana na umuwi na kami para magpahinga, but I insisted. Kailangan ko ang cellphone ko at isa pa, may mga meeting pa siya na kailangang attendan.


"Are you really sure you want to go back?" Again, he asked me. "We can just ask Bradley to get your things and deliver it to you. We really don't need to go back, Love. You have to rest."


"Saglit lang naman. And I heard your call with your secretary, Vonn. You need to attend that meeting with the board. Kailangan natin bumalik."


At baka nag-aalala na si Fei sa akin. Kaninang umaga pa ako umalis sa cubicle ko at anong oras na, hindi pa ako nakakabalik.


"I don't even give a damn about that meeting, Sapphire." Seryosong saad niya ngayon ay nakabusangot na habang papalapit na kami sa kompanya niya. "All I want is for you to rest right now."


Hindi ko mapigilan ang pag-ngiti dahil sa sinabi niya. The workaholic billionaire is willing to sacrifice his works for me. That's new.


"Magpapahinga naman ako. Hihintayin kita doon sa opisina mo habang nasa meeting ka."


"No. We'll just get your things and then head straight home. I let you wait for me in the office alone earlier and looked at what happened."


I don't think it would happen again though. I tried to negotiate with him, but he just doesn't seem to really care about his meeting kaya hinayaan ko na lang.


There's no dead air between us as we drove to his office. Hindi kami natigil sa pag-uusap lalo pa't marami siyang tanong sa akin tungkol sa pagbubuntis ko. I told him the truth, na kamakailan ko lang din naman nalaman ang tungkol dito. Miminsan din ay humihinto kami dahil sa mga gusto kong ipabili. Kaya ngayon ay may isang supot kami ng hilaw na manga, a box of munchkins, and of course, some packets of marshmallows. Marami pang ibang pagkaing nasa backseat at hindi ko alam kung mauubos ko ba ito bago mapanis.


Not so long, we arrived at his company. Unang lumabas si Vonn sa sasakyan at agad na binuksan ang pinto sa gilid ko. I can see Bradley waiting for us besides him.


"Be careful,"


Hindi tuloy mawala wala ang ngiti ko sa labi. Bradley was behind us as we walked our way to the basement elevator. Nang hinawakan niya ang kamay ko kanina para alalayan ako, hindi niya na ito binitawan hanggang ngayon.

Billionaire's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon