Twenty-six

49.3K 752 45
                                    

"Last na 'to diba?"


Marahang tumango ako bilang sagot sa tanong ni Gian. Inilagay niya sa sahig ng kwarto ko ang maletang dala-dala niya.


"Thank you," I uttered.


Today is Saturday at ngayong araw din ako lilipat ng bahay. And as planned, si Gian ang kasama kong naglipat ng gamit. Kaunti lang naman ang mga gamit ko, dalawang maleta lang ng damit at isang kahon ng mga ka echusan ko sa buhay kaya hindi masyadong hassle.


"Pagod ka na?" Tanong ko kay Gian nang pabagsak syang humiga sa kama ko. Nabuti na lang talaga at nilinisan ko na itong kwarto ko kahapon, atleast hindi ko na kailangan maglinis ngayon.


Pagod na nga yata itong si Gian. Siya lang kasi ang nagbuhat ng mga gamit ko. Sabi ko naman kasing ako na ang mag bubuhat sa isang maleta pero ayaw niya. Pabalik-balik tuloy siya.


"Ikaw? Okay ka lang?"


"Ha? Syempre!"


"Sure ka?"


"Bakit naman ako hindi magiging okay?"


I folded my arms on my chest and arched my eyebrow. Natawa siya sa pagka iritado ko. Patagilid siyang humiga sa kama at itinukod ang siko para suportahan ang ulo. His arms flexed kaya napatingin ako doon. Agad din namang binalik sa kanya ang atensyon nang nagsalita siya.


"I just know you're not," He shrugged his shoulders and stared at me. "Something is off with you today. May problema ka ba?"


"Ano ka ba. I'm fine"


I smiled sweetly at him bago ako tumalikod.


Am I really fine? No. Hindi ako okay at hindi ko alam kung kailan ako magiging okay ulit. Bukas? I don't know. My feelings are slowly succumbing my body. The pain is still visible kaya 'di ko alam kung kailan ulit ako magiging okay.


"You hungry?" I asked Gian without looking at him. He's a keen observer. Baka pag tumingin ako sa kanya magtanong na naman ulit siya. "It's almost lunch time."


Narinig ko ang kaluskos ng kama kaya palagay ko ay tumayo na siya. Naririnig ko ang papalayong hakbang niya kaya napalingon na ako. I saw him walk his way to the window. Binuksan niya ito bago ako sinenyasang lumapit sa kanya.


"Maganda ang view dito, nakaka-relax."


Nagtataka man ay lumapit parin ako para tingnan ang magandang view na sinasabi niya. My room has a sliding window na malapit lang sa kama ko. I didn't check this the first time we were here kaya hindi ko alam kung ano ang sinasabi iyang view.


"Wow," I mused nang makita ko kung ano ang ibig niyang sabihin.


Billionaire's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon