Nineteen

53.1K 857 39
                                    


"Magandang tanghali, kaibigan kong parang pinagsakluban ng langit at lupa. Anong meron at nakabusangot ka ngayon?"


Isang naka ngiting Helen ang sumalubong sa akin pagpasok ko pa lang sa coffee shop malapit sa kompanyang tinatrabahuan namin. They texted me kanina before lunch na magkita dito. Si Fei? Ewan ko kung saan 'to kanina at hindi ko man lang namalayan na nandito na pala siya, nauna pa nga sa akin, e.


"Anong nangyari sayo, Fire? Napagalitan ka?"


Tumawa si Fei kaya napunta sa kanya ang atensyon ng dalawang kasama ko. I rolled my eyes. My friends can be stupid sometimes.


"Nainom mo ba ang gamot mo, Fei? Gosh. Lumalala na yang sakit mo sa utak!" Exaggerated na sambit ni Helen kaya binatukan siya ni Fei.


"Sakalin kita, gusto mo?"


Nag peace sign lang si Helen kaya balik baliwan mode na naman si Fei dahil ngumiti na naman siya mag isa. Delikado na ang lagay ng isang 'to.


"Bakit ka ba ngiti ng ngiti? may sayad ka na ba?" Naiirita na siguro si Gia sa mukha ni Fei na naka ngiti kaya nag react na siya. "O, gusto mo lang talaga masapak?"


"Ang brutal mong magmahal, Gia" Fei tsked kaya inismidan lang siya ni Gia. "Kaya siguro wala ka pang jowa"


"Excuse me, my last boyfriend loves me even when I'm like this" Pagbabara ni Gia kay Fei. "Gusto niya ang pagtataray ko,"


They continued bickering kaya napailing ako. Akala ko ay nakaiwas na ako sa mga tanungan nila, pero tinaasan ako ng kilay ni Helen nang nahagip siya ng titig ko.


"Bakit nga kasi lukot na lukot 'yang mukha mo Fire?" Helen asked me again kaya napatawa na naman si Fei. Hindi pinansin si Gia.


"What the hell is your problem?" Gia stated annoyingly, facing the grinning Fei.


"E, kasi naman," Fei started. "Nagseselos siya sa bagong Presidente ng kompanya. Yung Thalia. Ang sweet kasi nila kahapon ni Boss Yummy."


"Nagseselos? Bakit naman?"


"Eh kasi maganda siya at close sila ni Boss Yummy" Fei chuckled.


"Excuse me. Maganda rin ako." At close din kami ni Vonn!ya


"So crush mo nga si Boss Yummy?" Helen gasped and pointed me. Exaggerated din 'tong isang 'to kung maka react.


"Of course not!" Do I sound defensive?


"Are you sure?"


"Oo nga! Ba't naman ako magseselos sa kanilang dalawa? Hello! Wala pa ring forever kaya magbi-break lang din sila" Katulad nang nangyari sa aming dalawa.

Billionaire's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon