Thirty-eight

49.2K 853 119
                                    

Sa gabing 'yun, hindi agad ako dinalaw ng antok. Paulit-ulit na bumbalik sa akin ag itsura niya habang nakatayo sa harap ko at basang-basa ng ulan. Binabagabag ako ng kung ano. Relief just washed over me when I received his text, telling me he's home.


Sa sobrang pag-aalala ko, maaga akong pumunta sa opisina para malaman ang kalagayan niya. I only received his text after three hours. Who knows what happen in that span of time? I just hope he's not sick or what.


"Sandra..." Alanganin pa ang pagtawag ko sa sekretarya ni Vonn.


Galing sa papel ay inangat niya ang tingin sa akin. Napatayo pa siya sa gulat nang makita ako. I don't know how much she knows, but she immediately bowed her head and greeted me.


"G-Good morning, Ma'am!"


"Is he..." I can't even finish my question.


"He's on a meeting at the moment, Ma'am" Agad niyang sagot sa hindi ko matapos na tanong. Tumango lang ako at aalis na sana pero nagsalita ulit siya. "T-Tawagin ko po—"


I just want to know if he's okay. But it looked like he is.


"No, it's okay." Agad na agap ko dahil lumabas na siya ng cubicle niya at dadamputin na sana ang telepono. "It's nothing important naman. Babalik na lang ako mamaya."


Which is, I don't think will happen. Sumama ako kay Fei nang nautusan siyang mag field sa araw na 'yun. Hindi ko napansin ang cellphone ko dahil naaliw ako sa ginagawa. Hindi ko namalayan ang iilang text at calls niya. Nasabi siguro ni Sandra ang pagpunta ko doon.


Pagabi na nang natapos kami ni Fei kaya dumiretso nalang kami ng uwi. Katulad ng dati, maaga din akong natulog pagkatapos kong gawin ang ibang gawaing bahay. Kaya lang, naalimpungatan ako nang narinig ko ang paulit-ulit na pagtunog ng cellphone ko. Tumayo ako at tiningnan kung sino ang lapastangang tumatawag sa akin ng ganitong oras. Napabuga nalang ako ng hangin nang nakitang si Vonn 'yun.


The clock says its already quarter past eleven. Dahil sa inis, hindi ko sinagot ang tawag niya at pinatay ang cellphone. I tried to sleep again, pero ilang ikot na ang nagawa ko sa kama, ay hindi na ako dinalaw pa ng antok. Napagpasyahan ko na lang na bumaba at magtimpla ng gatas.


Halos mapatalon pa ako sa gulat nang may narinig na kumatok ilang saglit. Ang tinitimplang gatas ay iniwan ko muna at pinuntahan ang bintana para sumilip. Baka kasi masamang tao diba. Malay mo naman, naniniguro lang.


"Sapphire, please, talk to me."


Napatigil ako sa akmang pagsilip. Kahit hindi ko tingnan, alam na alam kong siya na naman 'yun. I sighed and walked my way to the door. Nakahawak na sa door handle, pero hindi pa rin binubuksan.


"Love, please..."


Hinawakan ko ang tiyan ko habang tinitimbang ang susunod na gagawin. Bubuksan ko ba? Baby, pagbubuksan ba natin ang Daddy mo?

Billionaire's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon