Eight

66.7K 1K 14
                                    

Naalimpungatan ako nang maramdaman kong may bumuhat sa 'kin. Nanatili akong nakapikit dahil nahihilo pa din ako. I threw up on the way, and Vonn had to stop his car in the middle of somewhere nang makahanap ng basurahan. Doon ko lang din napag-alaman na sumama pala ako sa kanya pag-uwi nang mahimasmasan ako.


"Do you need help, Sir?" I heard Bradley's voice on the background.


"No!"


Ba't ba to galit? Nag tatanong lang yung tao, e. Bradley then excused himself. Mahigpit ang hawak ni Vonn sa akin habang naglalakad papuntang elevator. Nahihilo ako sa bawat hakbang niya kaya mas lalo kong diniin ang pagpikit ng mga mata.


I don't know how he managed to press the floor button but minutes later, the elevator door opened on the right floor. The unfamiliar feeling of being held by his arms is starting to build up. I like the warmth here.


"You stubborn woman, look how wasted you are."


He renewed his hold as he opened the door. Nakakabinging katahimikan ang sumalubong sa aming dalawa, but unlike the silence earlier, ramdam kong mas magaan na ang katahimikan ngayon. He opened another door before he gently laid me on the soft mattress of the bed.


Akala ko ay aalis na siya agad, pero nantili pa din siyang nakaupo sa tabi ko. He caressed my hair and tucked some strands behind my ear. Ang marahan at parang hanging haplos niya ay nakakapigil hininga. I badly want to open my eyes but I don't want to look at him at this state.


"You're still the most beautiful woman I ever laid my eyes on" He softly stated.


The warmth that I'm feeling slowly spread. Lalo pa't ngayon ay ang pisngi ko naman ang hinahaplos niya. Even with my eyes closed, I can still feel his burning stares. Randam na randam ko ang papagdaloy ng kuryente sa bawat haplos niya. This is bad. This is really bad.


Nakahinga ako ng maluwag nang tumayo siya at naglakad paalis. 'Di ko man lang napansin na halos pigilan ko na ang hininga ko dahil sa kaba. Nakatulong ang pag-idlip ko kanina sa sasakyan at ang pagsuka ko. Nahimasmasan ako.


"Sapphire," I almost cursed out loud when he spoke after a minute or so.


Tuluyan na nga yatang nawala ang pagkalasing ko dahil sa klase-klaseng emosyon na nararamdaman ko ngayon. Mas lalong dumoble ang kaba ko nang naramdaman ko na naman ang malamyos niyang haplos sa pisngi ko at ang marahang pagtapik nito. Parang malalasing ulit ako sa nararamdaman ko sa kanya. Nakakakaba.


"Sapphire, change your clothes first"


I shifted and groaned. Nangalay ako sa posisyon ko kanina. I heard him took a deep breath and cursed nang mas lalong tumaas ang dress na suot ko dahil sa pagbabago ng posisyon. Inayos niya ang damit ko't muli akong tinapik para gisingin.


"Come on, Love."


I can feel my heart beating faster than the normal pace. And it's not even because I'm nervous or what. Alcohol must have given me the confidence to do things that I might regret later. I groaned again and shifted on my bed to renew my position. Muling tumaas ang mangas ng damit ko kaya naging marahas na din ang pagbuga niya ng hininga. I heard him sigh. He stood up from where he was sitting atsaka marahang inayos ang kumot ko. Tangina. Nababaliw na nga yata ako. Bakit ... Bakit nagugustuhan ko ang mga ginagawa nya?

Billionaire's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon