Thirteen

60K 918 28
                                    

I mentally mapped my activities tomorrow. Maghahanap kami ng bahay sa umaga at kung hindi matagalan, ay baka maghanap na din ako ng mga gagamitin para sa lilipatan. Wala naman akong masyadong gamit kaya pwede na ako sa maliit na bahay o di kaya sa medyo may kalakihang kwarto. 'Di bale, pag nakaipon na ako ng Malaki, bibili na talaga ako ng bahay kahit yung gawa lang a barong-barong, basta sarili kong bahay. I always dreamed of having my own house.


I was in the middle of my mental mapping when my phone beeped. So, I sat on my bed and reached for it from my bedside table. Oh, it's Gian.


Gian:

I'm sorry, Fire. I can't go with you tomorrow. An investor suddenly wants to invest on the company. And he wants to meet me tomorrow. Babawi ako sayo next time. Sorry talaga.


I sighed after reading his message. I tap my phone and composed a reply. I can't blame him. Siya na nga 'tong nag-adjust ng schedule para masamahan ako bukas. Nagkataon lang siguro na demanding yung investor.


Ako:

Okay lang. May next time pa naman.


Inilagay ko ang phone ko sa table sa tabi ng higaan ko't pabagsak na humiga. Ano na? Mag e-extend na naman ako ng isang linggo sa pamamahay ng boss ko. Kakayanin ko pa ba? Hindi naman siguro mahirap maghanap ng bahay na malilipatan. Sinuwerte lang ako noon dahil nakahanap agad ako ng pwedeng tirhan kahit pa nagbo-board lang. Wala pa akong perang pambili ng bahay ko, kaya uupa muna.


Napabalikwas ulit ako nang biglang nag ring ang phone ko. Mukhang kailangan ko nang bawasan ang pag inom ng kape, nagiging nerbyosa na ako! Inabot ko ang phone ko atsaka sinagot ang tawag, not even looking who the caller is.


"Hello?!"


"Sapphire naman, alam kong galit ka kaya wag mo nang ipahalata"


The familiar baritone voice on the other line made my forehead creased. Doon ko lang naisipang tignan kung sino ang tumawag. Si Gian pala.


"Tanga. Akala ko pa naman kung sino na," Tumawa ako ng mahina at muling humiga sa kama.


"Sorry na... May biglaan kasing meeting bukas. Hindi naman pwedeng hindi ako umattend. Mapapatay ako ni Dad" He chuckled kaya napangiti ako. His Dad is very strict and scary.


"Ano ka ba. Okay lang talaga. Next Sunday nalang natin puntahan..." I trailed because an idea suddenly popped out in my mind. "Or better yet, i-send mo na lang sa 'kin ang address at magpapasama na lang ako kay Fei bukas"


Tumayo ako galing sa pagkakahiga at lumabas ng kwarto. Nakakabagot na dun. Wala namang butiki sa kisame na pwede kong hamunin sa titigan. Masyadong malinis ang buong bahay, hindi tulad ng inuupahan ko dati na may mga butiking nakatitig sa mga pader.


"No. Gusto ko ako ang kasama mo doon, para ma-secure ko ang safety mo." He sounds serious. "Promise, sasamahan talaga kita sa susunod na lingo"

Billionaire's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon