Eleven

65K 868 15
                                    


"Good morning kaibigan kong maraming nililihim. Kumusta ang pakiramdam mo?"


Umagang-umaga, pagmumukha agad ni Fei ang tumambad sa akin. Ni-hindi pa nga ako nakaupo. Lecheng babaeng to, nakakasira ng araw.


"Tigilan mo ako, Daphne" I warned.


May saltik nga yata sa utak ang babaeng 'to dahil imbes na tumigil ay mas lalong lumawak ang ngisi nya sa sinabi ko.


"Hindi ka man lang ba babati sa akin? Ang ganda ng araw ngayon, diba, Fire?"


I know behind those innocent smiles are her mischievous plan kaya inirapan ko lang siya at pinagpatuloy ang dapat gagawin. I switched my computer on at hindi na nga sana talaga siya papansinin pero lumapit na siya sa table ko at ngumisi. Napabuntong hininga nalang ako.


"Good morning din sayo, baliw" saad ko sabay irap sa kanya. "Mag trabaho ka na nga lang. Iniistorbo mo ako, e"


Tumawa siya at bumalik sa upuan niya kaya akala ko ay tatahamik na talaga siya. Pero kailan ba tumahimik ang babaeng to, diba?


"Wait, saan ka ba nakatira ngayon?" Paunang tanong niya na nakapatigil ulit sa akin. "Pumunta ako sa boarding house mo kahapon, iba na ang nakatira dun. Akala ko nga jowa mo dahil lalaki ang nag bukas ng pinto"


Halos manlamig ako sa mga sinabi ni Fei. Buti nalang at agad akong nakaisip ng palusot kaya agad kong inayos ang sarili at tiningnan siya.


"Pinalayas ako ng bruha naming landlady"


I shrugged my shoulder. Sana naman sumpungin ng katangahan si Fei ngayon at hindi nya mapansin ang pagsisinungaling ko. Pero mukhang nasa mood nga talaga siya para mangulit ngayon dahil pinanliitan niya ako ng mata at tila hindi naniwala sa sinabi ko.


"So, saan ka nga nakatira ngayon?"


Sa gago nating boss.


"Sa kakilala ni Aleng Tanya... yung nagtitinda ng ulam sa may kanto" I should give myself an award after this. Ang galing kong gumawa ng palusot. Tss.


"Talaga? Saan naman 'yan banda?"


May halong duda sa tono ng tanong niya. Bakit ba ang kulit ni Fei ngayon? Mas makulit kaysa sa normal. Ang sarap tuloy sapakin.


"Basta malayo dito. Pero plano ko rin namang maghanap na ng matitirhan na malapit dito. May alam ka bang pwedeng rentahan?"


She eyed me intently na para bang binabasa niya ang nasa isip ko. She's weird. I know she's usually nosy, but she seems persistent today.


"Wala, e." She shrugged her shoulders. "Pero tatanungin ko si Gian baka may alam sya. Alam mo naman yung lalaking yun. Kay yaman-yamang nilalang pero mas gusto pang manirahan sa isang maliit na apartment"

Billionaire's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon