Fifty-four

55.7K 791 33
                                    

My morning started weird. Nagising ako nang wala na si Vonn sa tabi ko. I went to Fiero's room but he's not there too. Kung hindi lang ako tinawagan ni Vonn ay baka nag panic na ako. He told me he's with Fiero today for an early bonding at the park at uuwi sila mamaya bago mag tanghalian.


Hinayaan ko na. I fixed myself before coming down para sana magluto ng agahan, pero naunahan na ako ng mga kasambahay kaya mag-isa akong kumain. It felt weird. The house is unusually quiet dahil wala ang maingay na anak ko. Nang natapos naman ako sa agahan ay sakto ding may tumawag sa akin.


"Sunduin mo ako,"


Boses agad ni Fei ang narinig ko nang sagutin ko na ito.


"Bakit? Saan ka ba?"


"Pabalik na ako diyan, hinihintay ko na lang ang flight ko. I'll be there around 10 am," she stated. "Sunduin mo ako please. Wala akong jowa na susundo sa akin."


Narinig ko pa ang pagmamakaawa niya sa kabilang linya, and I bet she's pouting right now. Tiningnan ko ang orasan at nakitang mag aalas otso pa lang naman.


"Fine. I'll be there." Sang ayon ko.


Tatawagan ko na lang si Vonn kung hindi pa siya dumating bago ako aalis. Pagkatapos maligo ay agad na akong naghanda para umalis. Mahirap na at baka ma-traffic ako. Bugnutin pa naman ang babaeng yun these past few days.


"Good morning, Mrs. Azis."


Kumunot ang noo ko nang nakita ko si Bradly na nakatayo malapit sa pinto. He is wearing his usual attire as he waited for me to come down. May ngiti din sa labi niya na tila ba kay ganda ng gising niya kanina.


"Good morning too, Bradley. Long time no see." Pagbati ko. "Why are you here anyway?"


"I'll drive you to your destination today, Mrs. Azis."


Mas lalo tuloy akong nagtaka. How did he know I am going somewhere? Pero sa huli, tumango na lang ako. Baka nasabihan na ni Fei si Vonn kaya pinadala na ng lalaking yun si Bradley. Mamaya ko pa sana siya tatawagan, e.


"Mukhang maganda ang gising mo ngayon ah?" I asked Bradley jokingly.


Kanina ko pa kasi napapansin na pangiti ngiti siya. And that made it weird, nagmana kaya 'to si Bradley sa amo niyang hindi masyadong ngumingiti, kaya its weird seeing him in a full smile today.


"Hindi naman po," he answered politely. Eyes are still on the road. "Feeling ko lang po kasi may magandang mangyayari ngayong araw na 'to."


Dinaldal ko lang si Bradley habang nasa byahe kami. True to what I predicted earlier, na stuck nga kami saglit sa traffic kaya nang nakalabas kami ay halos mag aalas dyes na. My phone rang, and I am not even surprised to see Daphne's name.

Billionaire's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon