Thirty-six

49.2K 835 30
                                    

"Stop stealing glances, Daphne."


Kanina pa ako naiinis sa panaka-nakang sulyap ni Fei sa akin. Kung hindi lang siya nagda-drive ay binatukan ko na talaga siya.


Earlier today, I was crying my heart out after knowing my pregnancy. Samu't saring emosyon ang naramdaman ko. Natakot dahil alam kong masyado pang magulo ang sitwasyon namin ni Vonn. Malungkot, kasi paano ko mabibigyan ng buong pamilya ang anak ko? But above all, I was happy. It may be unexpected, but this baby is a part of me.


"Meh," She shrugged lazily. "I just can't believe that you kept it a secret from us. I mean, alam ko namang hindi ka simpleng mamamayan lang nang una kitang nakita. I can sense elegance with the way you move and talk. Pero hindi ko naman sukat akalain na bilyonaryo pala ang asawa mo. That also means, you're—"


"Ex-husband, Fei" I reminded her. "At isa pa, his wealth is his. Siya lang ang mayaman at hindi ako. Ang kanya ay kanya, kaya magtigil ka sa mga iniisip mo."


"Whatever. Hindi naman na din sekreto sa lahat na may plano siyang bawiin ka. I mean, lahat ng empleyado sa kompanya ay iniisip na nililigawan ka ni Boss or what. With the way you've been acting these past few weeks. Impossible talagang hindi kayo mahalata. Palagi kaya kayong laman ng chismis sa canteen."


Umirap na lang ako at hindi na nagsalita. Natigil naman ang pang-uusisa nilang tatlo sa akin. I saw how happy they were when I told them the result. They're one of the reasons I am less afraid now. I know they wouldn't leave me. They even want to skip work today para samahan akong magpacheck-up. But of course, hindi ako pumayag. Ayokong umabsent sila. Si Fei lang ang sumama sa akin dahil kakilala niya ang Ob-Gyne na pupuntahan namin.


"You know you're carrying a billionaire's heir, right?" Saad niya ulit pagkatapos ng ilang minuto. "When will you tell him?"


I just shrug my shoulders and sighed. Kailan nga ba? Sasabihin ko ba? I can raise my child alone. Pero ayaw ko namang pagkaitan ng pagkakataon ang mag-ama kung sakali. We made this baby together. No matter if there's love or none, he still deserves to know. Pero kailan ko ba sasabihin gayung may Amanda naman siya? Tatanggapin niya kaya? Sasabihin ko ba?


"Please tell me you're not keeping it a secret form him!" I can sense the slight offend on her voice. "Tell him, Fire. And then you two can live happily ever after. The end!"


I shook my head with her statement. Okay lang sana kung walang batang madadamay sa mga desisyon ko. I can surely take the risk. Pero hindi. Lahat ng desisyon at galaw ko, damay na ang anak ko. Ayokong gumawa ng desisyong ikakahamak ng bata sa sinapupunan ko. Dahil kahit anong mangyari, ang anak ko lang ang mananatili sa akin.


"Life is not a fairytale, Daphne." Malungkot na saad ko. "It's not like Cinderella's story, na nagkasya lang ang sapatos ay naging masya na. Nor Aurora's tale na isang halik lang ay nagising na siya tapos habambuhay na silang naging masaya. No. Life's not like that."


We did more than kiss and I've been hurt more than I deserve. Pero bakit hindi parin ako magising-gising sa katotohanang hindi talaga kami para sa isa't isa.

Billionaire's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon