"So, tuloy ba 'yung paghahanap niyo ng malilipatang apartment ni Gian bukas?"
I nod at Fei's question. Nandito kami sa labas ng kompanya at naghihintay ng pwedeng masakyan, coding daw siya ngayon. I'm sure she won't go home directly. Mukhang may date pa siya kasi kanina pa siya aligaga sa ayos niya.
"Ang daya! Gusto kong sumama!" She pouted. "Kung bakit ba kasi tinopak si Papa. Ayaw kong sumama sa kanya papuntang Cebu bukas."
I chuckled upon seeing her stomping her feet like a child. She's seriously annoyed with the thought of spending her Sunday on her cousin's house in Cebu. Well, I remember her telling me about the feud that she had with her cousin. Kaya ayaw niya sanang pumunta.
"Ano ka ba! Sumama ka na sa Tatay mo. Minsan na nga lang kayong magsama-sama. At isa pa, magiging pabigat ka lang sa amin bukas. Dagdag gastos pa,"
"Sus. Gusto niyo lang yata mag-solo ni Gian bukas, e" Inirapan nya ako kaya hinampas ko ang braso niya. "What? Totoo naman! Hoy. Iba na yan ah!"
"What are you talking about? We're just friends!"
"May sinabi ba akong more than friends na kayo?"
Nang nakita ko ang nanunukso niyang ngiti ay hinampas ko na siya. Alam ko na ang iniisip ng babaeng 'to. Tsk.
"Aray! Battered friend na ako sayo ha!"
She pouted. I was about to hit her again when a car suddenly stopped infront of us. Hindi ako pamilyar sa sasakyan kaya kumunot ang noo ko.
"He's here." Nakangiting sambit ni Fei kaya napataas ang kilay ko sa kanya.
"Sino?"
She didn't answer me though. Instead, she excitedly came closer to the car and hugged the man na kakalabas lang ng sasakyan. I automatically rolled my eyes.
"Babe!"
Oh. Her boyfriend.
Nag-usap sila saglit bago ako binalingan ni Fei. She had this happy expression on her face as she tugged the guy nearer. Nakita kong napailing lang ang lalaki sa ginawa ng kaibigan ko. He seems to be kind-looking.
"This is my bestfriend, Sapphire Montera" She pointed me. "Fire, this is Arthur Flaven. Kaibigan ko."
Napataas ng bonggang-bongga ang kilay ko nang sabihin ni Fei na kaibigan niya lang daw yung lalaki. Baka kamo bagong dine-date! Pero hindi ko na lang pinuna. Sabagay, sweet din naman kami ni Vonn minsan, pero hindi ko din siya boyfriend. Naiintindihan ko.
"Nice to meet you," Nakangiting bati namin sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
Billionaire's Wife
General FictionVonn Kiel Azis is a drop-dead-gorgeous businessman who owns a multi-billion company. He's every girl's dream. He has the looks, the brain and the wealth. But one thing is missing, His Queen. Sapphire Xien Montera is a hot gorgeous chick who works he...