Has it been months already? I lost count of days since the night I introduced Fiero to his Dad. Well, I must say, Fiero's mood got a lot better than before. Hindi na siya masyadong masungit na tila ba lahat ng tao ay hindi niya kayang pagkatiwalaan.
"Mama, is papa coming today?"
TInigil ko muna ang pag-aayos ng ibang bulaklak bago binalingan ng tingin ang anak na nakaupo lang sa upuang para sa kanya. He's holding a single stem of sunflower, probably from the bunch of flowers on the floor.
"What did he tell you the other day?"
"He's working today so he might be a little late." Nakasimangot niyang saad. "But I miss him already."
Napairap na lang ako sa tago. Fiero has been so clingy sa papa niya. He's becoming more and more like his dad. Not that I can blame them tho.
We're back now at Paris. We just spent five days in the Philippines bago bumalik ulit dito. Fiero still had school to attend kaya hindi kami pwedeng magtagal doon. Halos araw-araw ay dumadalaw si Vonn, at nang nalaman niyang uuwi kami, naisipan niya ding sumunod.
We're not living under the same roof. Hinahayaan ko lang siyang bisitahin ang anak namin kahit anong oras niya gusto, pero hindi ako pumayag na magsama kami sa isang bahay. I know Fiero would love it, but I don't think it will be that easy. Nililigawan niya pa rin ako kasabay ng pagbabawi niya sa mga naging kakulangan niya sa anak namin ng ilang taon. And I can see that he's doing a great job in both. Wala akong narinig na reklamo galing sa kanya, at para bang kuntento din siya sa ginagawa kahit alam ko namang hindi.
"Where do you like to spend your vacation?" agap na tanong ko nang nalingunan ko siyang nakasimangot. "Snow's birthday is coming and you're invited. Would you like to come?"
Nakita ko pa ang bahagyang pag-ngiti niya habang nakatitig sa sunflower na dala bago ulit ako tinignan.
"I'll go," Kunwari pa seryoso ang tono, para namang hindi ko siya nakitang ngumiti kanina.
Buong araw kaming nasa flower shop ko. Minsan tinutulungan niya ako sa mga bulaklak, pero kadalasan ay kaharap niya lang ang libro at nagkukulay. Vonn said he's going to be busy for this week up until the end of the month kaya hindi siya araw-araw na makakadalaw kasi kailangan ay nasa Italya siya. Alam kong gusto niya kaming isama doon, but I just can't leave that easily. Una, nag-aaral si Fiero dito. Pangalawa, I grew fond of this place, because this is where I spent most of the days alone while I am regaining my life back. But this past few nights, palagi kong iniisip ang sa kung ano ang magiging desisyon ko sa pamilyang ito. Ilang gabi din akong hindi nakatulog ng maayos. But then, I came up with the best decision for my us, especially for my son.
"Papa!"
Napaangat ako ng tingin dahil sa narinig. I was busy wrapping a bouquet of flowers when the door opened, hindi nga sana ako titingala pero nang nagsalita ang anak, agad din akong napatingin.
"Hi, big guy!" bati niya sa anak. "Did you miss papa?"
BINABASA MO ANG
Billionaire's Wife
General FictionVonn Kiel Azis is a drop-dead-gorgeous businessman who owns a multi-billion company. He's every girl's dream. He has the looks, the brain and the wealth. But one thing is missing, His Queen. Sapphire Xien Montera is a hot gorgeous chick who works he...