Eighteen

55.4K 860 30
                                    

"Good afternoon, Sir. Eto na po yung pina-order niyong pagkain"


I rolled my eyes when I heard his secretary's voice. Nandito ako sa restroom ng opisina. Ayaw ko namang humarap na magulo ang ayos kaya pumunta muna ako sa banyo para ayusin ang sarili.


"Is that all you want, Sir?" malanding sabi ng sekretarya niyang hanggang ngayon ay hindi ko parin kilala. Tss. Ihulog ko siya sa bintana, e.


I decided not to go out just yet. Bigla akong na-bwesit sa boses pa lang, baka mahulog ko nga siya sa bintana kung makita ko na ang pagmumukha niya. I really had no question with her effectivity as his secretary, but sometimes, it annoys me knowing that she's trying to get his attention.


"Love?" Dinig kong tawag ni Vonn.


Shit.


"Sino po ang tinatawag niyo, Sir?"


I am not informed that its part of her job to be nosy over everything. Tsk.


"My wife," Nanlaki ang mata ko sa sinagot ni Vonn. What the hell? Bakit naman ganun! "What are you still doing here? Get the hell out."


"Y-yes sir!"


Narinig ko ang paglabas ng sekretarya niya at ang papalakas niyang hakbang papalapit sa banyo. He must've realized I'm here all along. Ilang saglit pa ay narinig ko na ang katok niya sa pinto.


"Hey Sapphire. You okay?"


Humarap ako sa salamin at inayos ang sarili. I'm still flushed from earlier. Naghilamos ako't ginamit ang malinis na towel na nakasabit. I don't have my bag with me so I'll just reapply my make-up later. Siya agad ang una kong napansin nang lumabas. Hinihintay ako habang nakahalukipkip. Imbes na pansinin siya ay mas pinili kong dumiretso sa mesa kung saan nakalagay ang mga pagkaing dinala ng sekretarya niya kanina.


"Are you really that famished that you chose to ignore me?" He chuckled as he tailed me behind.


He's really in a good mood today. Kanina ko pa napapansin ang mga ngiti at tawa niyang miminsan lang magpakita.


"What the hell is wrong with you?"


Hindi ko na napigilang itanong sa kanya nang nakita ko siyang ngumingiti mag-isa habang hinahanda ang kakainin namin.


"What? What's wrong with me?" Balik tanong niya sa akin, nakangiti pa rin.


"Kanina ka pa ngiti nang ngiti. Nakakatakot na!"


Natigil ang pag-aayos niya ng pagkain at tumingin sa akin nang nakataas ang isang kilay.


Billionaire's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon