Ten

67.5K 1K 70
                                    


"SAPPHIRE!"


Naalimpungatan ako nang may narinig akong kalabog sa labas ng kwarto ko. May pagmamadali sa klase nang pagkatok ng pinto. I creased my forehead nang sandaling nawala ang ingay. Akala ko ay tapos na siyang mamulabog pero ilang saglit lang ay narinig ko ang pagbukas ng pinto ko.


"Sapphire," Mas kalmadong saad niya nang tuluyan nang makapasok.


I can clearly hear his footsteps nearing me. Imbes na dumilat at pansinin siya, mas lalo kong pinikit ang mata ko. Masyado pang magulo ang utak ko para makipag usap sa kanya ngayon. At oo, alam kong ang bilyonaryo yun. Sino pa ba, diba? Anong oras na ba? Bakit nandito na ang lalaking 'to? Hindi pa naman tapos ang working hours, ah?


"Sapphire"


Ramdam ko ang presensya niya sa likod ko. My breathing almost hitched when he occupied the space behind. At dahil nakatalikod ako sa kanya, kinailangan niya pang yumuko ng bahagya para makita ang mukha ko. Itinukod niya ang kanang kamay sa harap ko at ang isa naman ay marahang hinaplos ang pisngi ko.


"Are you alright?" Why is he using his soft voice to me now? What the hell?


He sighed and tucked some strands of my hair behind my ears. 'Di ko na kayang magkunwaring tulog kaya dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko. And his striking green orbs welcomed my sight.


"Hey," He stated softly as gave me a half smile. "Are you okay?"


Friends na ba kami? Bakit biglang ang bait sa akin ng lalaking 'to?


"I heard you got a bad headache." Inalalayan niya akong umupo. "Do you want me to bring you to the hospital? How do you feel?"


"I'm fine. Simpleng sakit lang naman 'to sa ulo."


Ang OA talaga maka react ng lalaking 'to. Hospital agad? Hindi ba uso ang paracetamol sa kanya? Atsaka sino bang may sabi sa kanya na masakit ang ulo ko?


"You sure?"


He eyed me na para bang naghahanap siya ng kung ano sa akin. Bumuntong hininga ako at iniwas ang tingin. I can't look at him without noticing his lips, damn it.


"Yeah. I just need some sleep." Halos dalawang oras lang yata ang tulog ko bago siya dumating, akala ko pa naman mamayang gabi na siya uuwi. Tsk.


Luckily, he just nods his head. Akala ko ay pag-aawayan na naman namin ito. He kissed my forehead before leaving my room, not even giving me time to protest because of what he did!


Shit. Nababaliw na nga yata ako. Ang lakas talaga ng kabog ng dibdib ko kahit anong pilit kong pagpapakalma. What the hell is happening to me? Why am I suddenly feeling this way? Sabi ko na nga be, e. Isang malaking pagkakamali talaga ang ginawa namin kagabi. And now everything's messed up!

Billionaire's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon