Thirty

54.4K 788 16
                                    

"Good morning, Ma'am"


Isang nakangiting guard ang bumungad sa akin pagkapasok ko ng opisina. Siya yung guard na nakakita sa amin ni Vonn nung gabing nag overtime ako. Mukhang hindi nga siya nagsalita sa kung anong nakita niya nung gabing 'yun kaya kinindatan ko siya't sinenyasan ulit. He understood what I meant kaya tumango lang siya at malapad na ngumiti sa akin.


"Hoy! Ano 'yang senyasan niyo ni Manong guard ha?" Nagtatakang tanong ni Helen sa akin.


"May secret affair kasi silang dalawa" Walang buhay na tugon sa amin ni Gia. Natawa ako nang napahawak siya sa ulo niya at mahinang sinabunutan ang sariling buhok. "Letcheng hangover 'to! Hindi na talaga ako iinom!"


"Sino ba kasing may sabi sa inyo na mag inuman kayo hanggang hatinggabi, ha?" Nakatawa kong sambit nang pumasok na kami sa elevator. "Damhin ninyo ang epekto ng kabaliwan niyo."


Sinamaan lang nila ako ng tingin bago pinagpatuloy ang mahihinang mura nila. Sinulyapan ko ang medyo tahimik na si Fei na nakasandal lang sa dingding ng elevator. I'm sure mas malala ang hangover ng babaeng 'to. Siya kasi ang may pinaka maraming nainom kagabi.


"Please lang, friends. Huwag na kayong sumugal sa pag-ibig kung hindi naman kayo sigurado sa tao" Reklamo ulit ni Gia nang umandar na ang elevator. I giggled. "Nakakasira lang ng atay"


Hindi tuloy mawala-wala ang ngisi ko dahil sa mga sinasabi ni Gia. Hindi ko alam kung pinapangaralan lang niya kami, or sadyang bitter lang talaga siya. Or maybe both?


Tumigil ang elevator sa ikatlong palapag. Patrick, one of my officemates, got in. Agad na naglandas ang tingin niya sa suot naming apat sabay sipol. Nakatanggap tuloy siya nang masasamang titig galling sa mga kaibigan ko.


Did I mention na ang se-sexy naming apat? Ugh. Ewan ko ba kung ano ang sumapi kay Helen at napagtripan kaming bihisan. I had no choice since wala akong dalang damit kagabi nang pumunta ako sa bahay ni Fei. Malay ko ba kasing wala pala silang planong umuwi at buong magdamag silang maglalasing. Tss. Ako tuloy ang nakalinis sa mga kalat nila. I didn't drink even a drop of alcohol. Baka kasi malagot na naman ako sa bilyonaryong naghatid sa akin dun kagabi. Paulit-ulit pa naman ang paalala niya na 'wag daw akong uminom. Of course, I won't. Iniisip ko pa nga lang ang lasa ng alak, nasusuka na ako.


"Galing pa kayo sa bar, 'no?" Natatawang tukso ni Patrick sa amin. "Dinatnan ba kayo ng umaga doon kaya dumeretso nalang kayo dito?"


"Tumahimik ka kung ayaw mong dumikit 'yang mukha mo sa dingding" Naiinis na sambit ni Gia.


"Hangover"' I mouthed him nang lumingon siya sa gawi ko. Tumango-tango lang siya bago natatawang tumahimik.


Sa 7th floor ang department namin, sa 6th naman ang department nila Gia habang sakop naman ni Vonn ang halos buong 9th floor. May isang executive conference hall doon kung saan dinadaos ang mga mahahalagang meeting. The rest of the executives' offices are located on the 8th.

Billionaire's WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon