'Good Morning, Love'
Nakangiting ibinaba ko ang note atsaka kinuha ang white rose sa tabi nito. I woke up seeing this on my bedside table. The billionaire seems to be in a good mood. Well, I am too. Tumayo na ako at pinulot ang mga damit kong naka kalat sa sahig. May suot akong bagong underwear at isang malaking T-shirt na alam kong sa kanya.
Last night was very unexpected. I never thought I would hear him say those things. Nakakakilig, oo. Pero nakakatakot din. I don't want to assume anything. Ayaw ko na ulit masaktan lalo na ngayong unti-unti na namang nahuhulog ang punyetang puso ko sa kanya. Gusto kong pagalitan ang sarili ko kasi hindi na nadala-dala sa kung anong nangyari noon. But my traitor heart seems like missing the warmth that only the him can provide. And now, it's slowly melting for his touches again.
I went to the bathroom and started cleaning myself. We did it again last night. Nakakatawang isipin na kung kailan hiwalay na kami ay doon pa nangyayari ang mga inaasam ko noong mangyari. I know it's wrong. So damn wrong. Hindi ko na dapat hinayaang mangyari pa ang nangyari kagabi. No. I wasn't drunk, I am very aware of what was happening last night.
After kong matapos linisin ang sarili ko't nagbihis, I hurriedly check my phone for messages. Hindi na ako nagulat nang maraming texts ang natanggap ko galing sa mga chismoso kong workmates. Even Fei, Gia and Helen sent me messages too. Sigh. As much as I want to tell them about this freaking situation, hindi pa pwede. Hindi pa sa ngayon kung saan nalilito pa ako sa mga nangyayari.
I replied to my friends bago bumaba at pumuntang kusina para kumain. I don't know what's with him and his notes, pero agad ding sumilay ang ngiti sa labi ko nang nabasa ko ang isang note na nakapaskil sa pinto ng ref.
Don't forget to eat your breakfast. See you in the office, Love. Be careful on your way.
-V
Ano bang nangyayari sa akin? Akala ko ba naka move on na ako? Akala ko ba nawala na siya sa sistema ko? Akala ko ba nakalimutan ko na siya? Pero bakit? Bakit kinikilig parin ako? Damn it.
"What?" Irap ko sa ibang babaeng katrabaho nang nakita ko ang klase ng titig nila sa akin. Nasa lobby pa ako pero ramdam ko na ang mga malisyosong mata sa paligid.
Kahit sa elevator ay may nangahas pa ring pag-usapan ako. Ang lapit lang nila sa akin kaya rinig ko kahit pa nagbubulugan sila. I rolled my eyes upon hearing their blabbering. Insecure bitches. Anyways, masyadong maganda ang gising ko para magpa-apekto sa kanila. I don't care about their stupid opinions anyway.
"Spill."
Seryosong mukha ni Fei ang tumambad sa akin nang pumasok na ako sa department namin. Maaga pa naman kaya may oras pa siyang tumambay sa mesa ko at maki-chismis.
"What?" Kunwaring hindi ko alam.
"Don't 'what' me Sapphire. Spill it" Ang taray!
Umiling lang ako at natawa. Hindi ko na sana siya sasagutin pero nanatili siya sa harapan ng mesa ko. She's too eager to know last night's details.
BINABASA MO ANG
Billionaire's Wife
פרוזהVonn Kiel Azis is a drop-dead-gorgeous businessman who owns a multi-billion company. He's every girl's dream. He has the looks, the brain and the wealth. But one thing is missing, His Queen. Sapphire Xien Montera is a hot gorgeous chick who works he...