As soon as Katherina's classes ended, she hurriedly got up and ran away from their classroom. He's not serious when he offered to take me home, right?
Besides, mommy might see him, she thought.
Pumayag man siyang makipagkaibigan kay Yael ay hindi pa rin niya kinakalimutang pinagbawalan siya ng ina na lumapit dito. Sinubukan niyang alamin kung bakit ngunit walang sinabing dahilan si Clara sa kanya. She was not able to do anything about it. She knows her mom at alam niyang ayaw nitong kinukwestyon ito.
Malapit na si Katherina sa gate ng kanilang school at hinihingal na rin siya sa pagtakbo, nang may humawak sa kanyang pulsuhan.
"Hey, girl. Where do you think you're going?" Lumingon si Katherina to see Yael, winking at her.
Tumingin si Katherina sa kanyang pulsuhan at hindi pa rin bumibitaw ang binata kahit subukan niyang makawala. "Uhm, h-huwag ka nang mag-abala Yael, sanay naman akong magcommute."
"Teka, umupo muna tayo. Hinihingal ka na at namumutla." Bakas sa mukha ni Yael ang pag-aalala.
Sumunod na rin si Katherina dahil medyo nakakaramdam siya ng hilo. Sa pagmamadali niya kanina ay tinakbo na niya simula fifth floor ng building hanggang sa gate ng kanilang unibersidad.
Lumalala ang paghingal ni Katherina at alam niyang hinihika na siya. She scrambled to find her inhaler inside her bag.
Alalang-alala si Yael sa dalaga. Mabuti na lamang at may tubig siya sa kanyang bag. Hinagod niya ang likod ni Katherina habang nag-iinhaler ito hanggang sa bumalik ang paghinga nito sa normal. Pinainom rin niya ito ng tubig.
Nagulat si Katherina nang banayad na ilagay ni Yael ang ulo niya sa balikat nito. She wanted to release herself ngunit mahigpit ang hawak sa kanya ng binata, and besides, she finds it comfortable.
"Gusto mo bang dalhin kita sa clinic?" Tanong ni Yael rito.
"Hindi na, Yael. Sanay na ako sa ganito. Bata pa lang, hikain at sakitin na talaga ako." Sagot ni Katherina.
They remained silent in that position for quite some time at hindi lingid kay Katherina ang masasamang tingin ng mga babae sa paligid nila.
"Uuwi na ako, Yael. Salamat." Sabi ng dalaga nang umayos na ng tuluyan ang pakiramdam nito.
"Ihahatid na kita."
"Y-you don't need to. Malapit-"
"I insist."
"Pero b-baka may klase ka pa? Tsaka hindi naman gaanong malayo ang bahay namin."
Ngumiti ang binata. "Wala akong klase today, at gusto kong ihatid ka." He said with finality.
Wala nang nagawa si Katherina. Naglakad sila papuntang parking lot. Nagulat siya dahil ipinagdala pa siya ni Yael ng bag. Namangha si Katherina sa ganda ng sasakyan ng binata. It was a red corvette which definitely stood out from all the cars in the parking lot.
Pinagbuksan siya ni Yael ng pinto at agad siyang sumakay sa passenger seat. It was her first time to ride a car with a person other than her mother kaya't kakaiba ang excitement niya.
Nakasakay na si Yael and Katherina was shocked when he leaned in towards her. Anong gagawin niya?! Napapikit na lamang ng mariin ang dalaga.
A few seconds passed and she opened her eyes. She saw Yael grinning and staring at her.
"Seatbelt." Sabi nito. At nakita nang dalagang nakakabit na ang seatbelt sa kanya.
BINABASA MO ANG
Takipsilim
FanfictionYael Romualdez is destined for greatness. Siya ang pinakahihintay na sugo ng mga Ahren - mga taong may dugong anghel na ang misyon ay puksain ang kasamaan ng kanilang mga mortal na kalaban, ang mga demonyong Kataha. On his quest to find the chosen K...