Chapter 27: Threatened

1.9K 95 13
                                        

"Kailan mo sasabihin sa kanya ang tungkol sa lahi natin? Ang tungkol sa pagiging sugong Ahren mo?" Seryosong tanong ni Sam sa kaibigang si Yael habang sila nina Regan ay naglalakad palabas ng library ng Malaya University.

Bumuntung-hininga si Yael. "I was planning to," Panimula nito. "Pero baka lalong malagay siya sa panganib kapag nalaman niya. I'm not sure how she would take it. I'm not even certain that she would believe it."

Sariwa pa rin sa alaala ni Yael ang mga nangyari noong nakaraang araw - ang paglitaw ng mga Kataha sa mall, ang kalunos-lunos na pagkitil nila sa ilang inosenteng buhay, at ang pagbanggit ni Cedric sa pangalan ni Katherina.

Kumuyom ang palad ng sugong Ahren.

"Alam na ng kalaban na siya ang kahinaan ko, Sam." Ika nito. "Kailangan kong mag-doble ingat."

Tinapik ni Sam ang balikat ng kaibigan. "Nandito lang kami, pre. Anumang tulong ang kailangan mo."

"Salamat. Nasaan nga pala si Maia? Hindi ko pa rin siya nakikita simula nung birthday ko." Malungkot na tanong ni Yael.

Ilang linggo na rin mula noong kaarawan ni Yael at ng pag-amin sa kanya ng kaibigang si Maia. Hindi naging maganda ang kinalabasan nito at mula noon ay hindi pa ulit nakakapagusap ang dalawa.

"She's on her internship now," Sagot ni Sam. "Kaya wala siya madalas sa Malaya. Once a week lang siya halos magreport dito."

Magsasalita pa sana si Yael nang tumunog ang kanyang cellphone.

"Hello, love."

"Yael. Umuna ka na sa paguwi. Kakausapin ko pa kasi sina dean mamaya. They asked me again to join another painting competition. Baka matagalan pa ang meeting namin."

"Hihintayin kita."

"Pero baka mainip--"

"Kahit gaano katagal yan, hihintayin kita. Ihahatid kita pauwi."

"Okaaay."

Yael smiled. He imagined how Katherina may be pouting right now. "Okay lang yun, love. I want to make sure you will safely get home."

"Hay. Ito talaga. Thank you, love. See you later."

"Walang 'I Love You?'"

Katherina smiled on the other line. "I love you, Yael."

"Mahal kita, Katherina."

Then the call ended.

Yael saw how Sam was grinning at him.

"O, anong nginingiti mo diyan? Para kang baliw."

Sam laughed. "Ako pa talaga ang parang baliw? E halos mapunit na ang pisngi mo sa ngiti mo kanina habang kausap si Kath. Wala bang 'I love you'?" He imitated his friend.

"Gago! Palibhasa kasi di ka pa naiinlove." Yael laughed along with Sam.

"Hinay-hinay lang pre, ha." Makahulugang sabi ni Regan na ngayon lamang nagsalita mula pa kanina. "Basta, huwag sobra."

Kumunot ang noo ni Yael. "Anong masama sa sobra? E sobra ko siyang mahal. I don't find anything wrong with that."

Regan weakly smiled. "I don't mean anything bad, Yael." Ika nito. "But when you love, expect to get hurt. With love, comes pain."

Sam had an idea where Regan is going so he decided to divert the attention from Yael, lalo't napapansin nitong medyo naiinis ang sugong Ahren. "Grabe, two years na pre. Iba pa rin ang epekto sa'yo ni Mia!"

TakipsilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon