Halos isang linggo na rin mula nang makabalik si Katherina sa kanilang tahanan. Napansin niyang wala na ang kanilang mga dating kasambahay. Tanging si Manang Feliza na lamang ang naiwanan. Kahit ang kanilang guwardiyang si Mang Jim ay wala rin, na siyang ipinagtaka ng dalaga.
"Manang Feliza, nasaan sina Ate Beth at Ate Joy? Si Mang Jim din." Tanong ni Katherina sa matanda nang umuwi ito galing sa eskwelahan isang hapon. Naabutan niyang nagluluto ang kasambahay.
Hindi tumitingin ang matanda kay Kath. "Pinaalis na sila ni Ma'am Clara." Ika nito. "Huwag kang mag-alala, may mga parating na bagong makakasama natin dito sa bahay. Isasama dito ni Ma'am Lucille mamaya."
"Ni Tita Lucille?" Lalong nagtaka si Katherina. Sa buong buhay niya ay mabibilang mo lamang sa daliri ang mga pagkakataong nagkita at nagkausap sila ng Tita Lucille niya, dahil na rin sa bibihirang pagsama sa kanya ng ina sa mga pagtitipon ng kanilang pamilya.
Anong meron? Anong pakay ni Tita Lucille at pupunta siya dito? Mom is not even here. Tanong ng dalaga sa sarili. Nasa business trip na naman ang kanyang ina.
"Kailangan mo ba ng tulong sa pagluluto, Manang?" Muling tanong ng dalaga sa matanda.
"Hindi na, Ma'am Kath. Kaunti lang naman itong niluluto ko, at sabi ni Ma'am Lucille ay sila na ang magdadala ng ibang pagkain para mamaya. Umakyat ka na muna sa kuwarto mo at magpahinga." Tumalikod sa kanya ang matanda at bumalik sa pagluluto. "Napapansin ko ang patuloy na pagbagsak ng timbang mo, at madalas ko ring marinig ang pag-ubo mo sa gabi." Bumuntong-hininga ang matanda. "Kumain ka ng marami, Ma'am Kath. Sabihan mo lang ako kung paano kita matutulungang alagaan ang katawan mo."
"Manang..." Naantig si Katherina sa concern na ipinapakita sa kanya ng matanda. Hindi ito naging malapit sa kanya habang siya ay lumalaki pero hindi lingid sa kanya ang palagian nitong pagaalaga sa kanya - the old lady ensures that she always gets to eat healthy and sleep on time, at katulong ng ina niyang si Clara, masugid din itong nagbabantay sa kanya tuwing siya ay maysakit.
Niyakap ng dalaga ang likod ng matanda. "Thank you, Manang. Huwag ka po sanang umalis dito sa amin."
Ang batang ito. Naaawa ako sa sitwasyon mo at sa mga maaari pang mangyari. Sa isip-isip ng matanda. Naluluha ito.
"Manang-mana ka sa iyong ina." Nakangiting sabi nito. "Pareho kayong malambing."
Napanganga si Katherina. "Si Mommy? Malambing?" Nagtataka ang dalaga sa narinig. Alam niyang mabuti naman ang kanyang inang si Clara ngunit hindi pa niya yata nakitang maging malambing ito sa kahit sino.
Ngumiti na ang matanda. "Umakyat ka na. Kakatukin na lamang kita kapag nandito na sina Ma'am Lucille."
"Okay. Thank you, Manang." Ngumiti si Katherina at umakyat na sa kanyang silid.
Ang iyong ina, Katherina, ay malambing na bata rin tulad mo. Miss na miss ko na ang batang iyon. May lungkot ang mga matang tiningnan ni Manang Feliza si Katherina habang umaakyat ito sa hagdanan.
-----
"Katherina! Look how beautiful you are now, more than ever. Long time no see." Nagbeso ang dalaga sa kanyang tiyahin na si Lucille.
"Long time no see, Tita Lucille." The awkwardness in Katherina's voice is apparent. "W-what brings you here? Mom is in a business trip."
Ngumiti ng malawak sa kanya ang nakatatandang Hontiveros. "Ikaw naman, hindi ko ba pwedeng dalawin ang only niece ko?" Hinawakan nito ang pisngi ng dalaga. "You're blooming. Is there someone behind those blissful eyes?"
BINABASA MO ANG
Takipsilim
Fiksi PenggemarYael Romualdez is destined for greatness. Siya ang pinakahihintay na sugo ng mga Ahren - mga taong may dugong anghel na ang misyon ay puksain ang kasamaan ng kanilang mga mortal na kalaban, ang mga demonyong Kataha. On his quest to find the chosen K...