Chapter 12: Arrow. Sleep.

2K 121 28
                                    

It's a few minutes to midnight and Mang Julian, a Malaya University guard, was doing his rounds in the school vicinity. Kailangan niyang siguraduhing wala nang mga estudyanteng pakalat-kalat sa loob ng campus. Hindi man niya aminin, alam niya sa sarili niyang natatakot rin siya sapagkat hindi pa rin nalulutas ang pagkamatay ng estudyanteng si Carlos Yap hanggang ngayon.

Mang Julian has been a loyal guard of MU for more than 20 years now. Sa trabahong ito ay napagtapos niya ang panganay na anak sa isang public university sa Maynila. Ang isa pang anak niya ay malapit na ring makatapos ng pag-aaral. Puno ng pagmamahal ang pamilya ni Mang Julian. Payak man ay masaya itong namumuhay kapiling ang asawa't mga anak.

Kung tutuusin ay pwede nang magretiro si Mang Julian, pero masyado niyang mahal ang MU para iwanan ito basta-basta.

Nasa may bandang university gymnasium siya nang may nakita siyang isang estudyanteng nakasandal sa pintuan nito. Nakatingin ito sa kanya.

Hindi maipaliwanag ni Mang Julian ang takot na nadarama ng oras na iyon.

"Iho, b-bawal na kayo dito sa university ng ganitong oras. Umuwi ka na!" Sambit ng matandang guard sa estudyante.

Mahinang tumawa ang huli.

"Bakit ka tumatawa? Hindi mo ba alam na may namatay na dito! Ihahatid na kita sa gate-"

"Hindi mo rin ba alam na kaya kong patayin ka ngayon din?"

Nanlaki ang mga mata ni Mang Julian nang makita niyang unti-unting humahaba ang mga kuko ng estudyante sa harapan niya. Hindi niya gaanong maaninag ang mukha nito dahil sa dilim. Agad na binunot ng guard ang baril at tinutukan ang "estudyante" ngunit napakabilis nito. Nahawakan agad nito ang leeg ni Mang Julian.

Alam ni Mang Julian na itatarak na sa kanya anumang oras ang matatalas na kuko ng kalaban. Hindi siya makapalag sapagkat napakalakas nito. Panginoon, kayo na po sana ang bahala sa pamilya ko. Nagdasal na lamang ang matanda.

Pumikit na siya at hinintay ang kamatayan ngunit may narinig siyang sigaw.

"Itigil mo yan, Kataha!"

Nagulat si Mang Julian sa nakita. Si Yael Romualdez, isa sa mga kilalang mag-aaral ng MU, ay napakabilis na tumakbo sa kanilang kinaroroonan. Itinulak nito ang estudyanteng papatay sa kanya at nakipagbuno dito.

Isang pilak na punyal ang hawak ni Yael at itinarak niya ito sa puso ng estudyante. Naging abo ang huli nang masaksak siya ni Yael.

Hindi makagalaw si Mang Julian. Ano itong nakita ko? Anong nangyari?

"Ayos lang po ba kayo, Mang Julian?" Nag-aalalang tanong ni Yael sa matanda.

"A-ano iyon? N-nananaginip b-ba ako?" Hindi namalayan ng matanda na naluluha na siya sa takot at gulat sa mga nasaksihan.

Bumuntong-hininga si Yael. "Pasensya na, Mang Julian. Ipinapangako kong ipagtatanggol kayong mga tao sa mga Kataha." Tumingin ito sa kaibigang si Regan na nasa likod lamang ng matanda.

"Regan," ika nito. "Do it."

A chemical was injected to Mang Julian which made him lose consciousness.

Two hours later, nagising ang matanda sa guard house, with no memory of what transpired.

-----

"Lumabas na kayo. Alam kong nagtatago lang kayo dito." Tawag ni Yael. Ramdam niyang napalilibutan sila ni Regan ng mga Kataha.

"Chosen Ahren, finally, we meet."

Isang lalaking naka face mask ng itim ang lumabas. He has short, black wavy hair and brown, sharp eyes.

TakipsilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon