Halos dapithapon na nang makarating sina Yael at Katherina sa pinakamalaking simbahan sa bayan ng San Felipe. Nagpalit muna sila ng damit sa kanilang tinutuluyan at saka pumunta sa lugar na nais ng dalaga.
Walang imik si Yael mula nang umalis sila sa kweba. Hawak ng binata ang kanyang kamay ngunit hindi siya nito kinakausap. Sa tingin ni Katherina ay hindi talaga ito natuwa sa kanyang biro kanina.
Nang nasa harap na sila ng simbahan ay napatigil ang dalawa.
"H-huwag na tayong tumuloy." Ika ni Yael. Hindi ito tumitingin sa kasintahan.
"Bakit naman?" Tanong ni Katherina, kahit alam niya ang sagot dito.
"Sa susunod na araw na lang." Malamig na sagot nito.
Ayaw mo pa rin talaga akong diretsuhing alam mo na.
Tumingala si Katherina sa krus na nasa tuktok ng gusali. Somehow, it calmed her.
Pinalaki siya ni Clara na walang pinaniniwalaang Diyos o anumang relihiyon na siya niyang ipinagtataka noon. Ngunit hindi iyon naging hadlang upang hindi maniwala si Katherina na may nag-iisang nasa langit na pinakamakapangyarihan sa lahat - ang Diyos ng pag-ibig at pagpapatawad.
Ngumiti ang dalaga at hinawakan ang kamay ng kasintahan. Hinila niya ito papasok ng simbahan.
"Sandali!" Pagpprotesta ni Yael.
"Mahal Niya tayo." Makahulugang sagot ni Katherina. "Kahit ako."
"A-anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Yael.
"Ang daming tanong ng mahal ko." Katherina started to walk but she did not let his hand go. "Pumasok na lang muna tayo."
Halos patakbo na silang pumasok sa simbahan. Tila nabunutan ng tinik si Katherina nang walang mangyari sa kanya. Walang nasunog, walang nasaktan.
She laughed at herself for even thinking about that silly thing.
Hindi ganun ang Diyos. Mapagmahal Siya.
Puno ng pag-aalala ang mga mata ni Yael para sa kanya.
She knew that similar to what she felt, he was relieved that nothing happened to her when she entered the sacred place.
Yael wanted to punch himself for thinking of such possibility.
Nanatili silang nakatayo, tahimik na nanalangin.
"Yael. Dun ka sa dulo. Take a video of me." Ika ng dalaga sa kasintahan.
"B-bakit? Para saan?" He was puzzled with her request.
"Basta." She smiled and went to the other end of the place.
Katherina clasped her hands together and walked slowly towards where Yael was.
He instantly understood what she was doing.
BINABASA MO ANG
Takipsilim
Fiksi PenggemarYael Romualdez is destined for greatness. Siya ang pinakahihintay na sugo ng mga Ahren - mga taong may dugong anghel na ang misyon ay puksain ang kasamaan ng kanilang mga mortal na kalaban, ang mga demonyong Kataha. On his quest to find the chosen K...