It was 11 in the morning and Yael, Sam, Maia, and Regan were having a quiet discussion at the university park.
"Wala ka pa bang nasasagap na impormasyon kung nasaan ang mga Kataha, Regan?" Tanong ng sugong Ahren sa kababata.
"Wala pa rin, bro. Ang lakas ng presensya nila dito sa Malaya, yet I still cannot detect them. I believe they use their powers to conceal who they are. They're demons, and their powers are an advantage to them." Sagot nito.
Regan is a highly intelligent Ahren. Kahit matalino rin si Yael, he still considers Regan as a good adviser dahil magaling ito sa computers and his strategic and analytical skills are exceptional. Yael trusts Regan in his judgments and in investigations regarding the Kataha.
"Tingin ko Yael, they are doing that to silently prepare para sa nakatakdang digmaan sa pagitan ng mga Ahren at Kataha. You are turning 21 soon, and of course, ang sugong Kataha rin." Sambit naman ni Maia.
Maia is the daughter of a great Ahren who is known for his physical strength. Namana ito ng dalaga. Isa siya ngayon sa mga batang leaders ng kanilang lahi na nagsasanay sa ibang mga Ahren ng iba't ibang sports at martial arts.
"I think so too, and dapat lamang na maghanda rin tayo. I'm thinking of meeting all the Ahrens here in our country soon para makapagsanay tayo ng sabay-sabay, and makapagstrategize ng sama-sama. That way, everyone will be in sync with each other at handa tayo anumang oras." Sagot ng sugong Ahren.
"Pero sino nga kaya ang sugong Kataha? Kahit ako, I can feel their strong presence. I can also feel na nandito ang sugo nila sa Malaya at nagmamanman." Sam said.
Sam is Yael's bestfriend. Ang ama nito ay matalik na kaibigan naman ni Ricardo, ang ama ni Yael. Sam is gifted with fighting abilities, especially shooting and archery. His leadership and communication skills make him the best choice to be Yael's second in command sa nakatakdang digmaan.
"I feel that too, and it frustrates me na hindi natin malaman kung sino siya, at kung sino ang mga kasama niya. Let us observe further the actions of everyone and see if something's amiss. So far, wala pa naman akong nakikitang kakaiba."
"Don't worry, Yael. I'll investigate further." Ika ni Regan sa kaibigan.
"Thanks, bro."
"Me too." Sabay na sagot ni Sam at Maia.
"Bago tayo mag-imbestiga guys, kain muna tayo. Kanina pa ko gutom na gutom." Binasag ni Sam ang seryosong mood nila. Hawak-hawak pa nito ang kanyang tiyan.
"Hay naku, Sam. Panira ka talaga." Ika ni Maia. "Pero sige na nga, tara na kumain!"
"Kita mo, susungitan mo pa ko, papayag ka rin pala." Nakatawang sagot ni Sam.
"Heh." Inirapan lamang siya ng kaibigang babae ngunit natawa na rin ito.
Ngumiti lamang si Regan. Nagsimula na itong maglakad at sumunod sa nauna nang sina Sam at Maia.
"Yael, you aren't coming with us?" Tanong nito sa kaibigan.
"No, you go ahead. May pupuntahan lang ako sa Fine Arts building."
"Yun oh! Mukhang may pinopormahan ka na papi! Ipakilala mo naman sa amin!" Sigaw ni Sam.
"Gago! Umalis ka na nga." Natatawang sagot ni Yael.
Nag-thumbs up naman at ngumiti si Regan sa kanya.
Nawala ang ngiti sa mukha ni Maia, ngunit hindi na iyon nakita ni Yael.
-----
Katherina just finished her morning class when she decided to buy herself lunch. She went out of their building when she saw a familiar man.
"Nag-lunch ka na?" It was Yael, smiling at her. May dala dala itong dalawang paper bags na naglalaman ng pagkain.
Everyone was looking at her, at them. Ngunit wala nang pakialam si Katherina dito.
HE REMEMBERS ME! May kaibigan na ako!
Katherina was so happy, she literally ran to Yael to hug him.
Yael never felt his heart beat this fast, until this very moment.
------
Hi, readers!
Any thoughts on this? :)
-The Shrine Maiden
BINABASA MO ANG
Takipsilim
FanfictionYael Romualdez is destined for greatness. Siya ang pinakahihintay na sugo ng mga Ahren - mga taong may dugong anghel na ang misyon ay puksain ang kasamaan ng kanilang mga mortal na kalaban, ang mga demonyong Kataha. On his quest to find the chosen K...