"Totoo ang Vasilissa Sofia at hindi siya isang alamat lamang?" Kunot ang noo ng matandang si Carmela Romualdez habang kausap ang apo. Sa likod ng matanda ay ang kaisa-isang anak nitong si Ricardo at ang asawa nitong si Kristina, na parehong batid rin ang gulat sa mga mukha dahil sa sinabi ng kanilang anak. "Bakit hindi siya nagpakita sa atin? At bakit ngayon mo lang ito sinabi sa amin Yael?" Katatapos lamang ikwento ni Yael sa kanyang pamilya ang pagkakadiskubre nila ni Regan sa Vasilissa Sofia.
"Patawarin ninyo ako sa pagpili kong itago ang aking nalalaman noon. Ngayon, malakas ang kutob kong kasama siya ng mga Kataha, Lola." Sagot ng sugong Ahren. "Ayokong pumunta agad sa konklusyon na pumanig siya sa mga kalaban ngunit mag-dodoble ingat pa rin kami sa aming paglusob sa kanilang kampo bukas ng gabi. Magagamit nila sa kanilang adbantahe ang Vasilissa, sakali mang piliin niyang tulungan ang ating mga kalaban."
"Diyos ko." Napaupo ang matanda na tila nahilo sa mga nalaman. Ramdam nito ang pagtaas ng presyon ng kanyang dugo. Agad siyang inalalayan ng anak at manugang.
"Hindi ko pababayaan ang mga kasamahan ko. Huwag kayong mabahala." Ang mga mata ni Yael ay puno ng kasiguraduhan, at sino man ang makarinig sa kanya ay makukumbinsing kayang-kaya ng binata na pamunuan ang kanilang lahi.
Tiningnan ni Ricardo ang kanyang anak na tila sinusuri ito. Mula noong gabing sinundo nila si Yael sa barrio San Isidro ay hindi pa sila nagkikibuan.
Nagtama-ang mga mata ng mag-ama na agad din nilang inalis. Hindi ito nakalampas sa paningin ni Kristina. Mabigat sa kanyang kalooban na nakikitang hindi maayos ang relasyon ng asawa at anak.
"Mamá." Inalalayan ni Kristina si Lola Carmela upang tumayo. "Ihahatid ko na po kayo sa inyong tulugan. Uminom na kayo ng gamot at magpahinga."
Makahulugang sinulyapan ni Kristina ang asawa.
Nakabibingi ang katahimikan nang maiwan sina Yael at Ricardo sa loob ng tent, hanggang sa nagdesisyon ang ama na basagin iyon.
"Anak." Ang dating matapang na boses ng lalaki ay naging malumanay na. "Sigurado ka bang kaya mo?"
"Ipinanganak ako para gawin ito, Pa. At sa tingin ko ay sapat na ang ilang taon kong paghahanda para sa misyon kong ito." Diretsong ni Yael sa ama.
"Hindi ko kinukwestyon ang abilidad mo bilang Sugong Ahren." Unti-unting naglakad si Ricardo palapit sa anak. With the short distance between them, the father held his son's shoulders. "Ang gusto kong malaman ay kung kaya ba ng puso mo ang labanan si Katherina?" Sa loob ng dalawang buwan ay nakita ni Ricardo ang pagbabago sa kaisa-isang supling, at hindi man niya aminin ay nasasaktan siya para dito.
Ang mas hindi matanggap ng nakatatandang Romualdez ay parte siya kung bakit tila namatay na ang damdamin at kaligayahan ng kanyang anak.
Before anything else, I am Yael's father. I shouldn't have been so cruel - na sana ay inisip ko pa rin na labis na minamahal ni Yael si Katherina.
"Anak, patawarin mo ako sa mga nagawa at nasabi ko noon." Pagpapatuloy ni Ricardo. He stared at his son, who was then looking away from him. Wala pa ring emosyon sa mukha nito - but his eyes betrayed him.
"Pa." Panimula ni Yael. "Hindi ko agad sinabi sa inyo na totoo ang Vasilissa dahil gusto kong maging maingat. Sinubukan kong basagin ang propesiya noon sa pamamagitan ng kanyang tulong ngunit hindi na siya muling nagpakita." Indeed, Yael fought with all his might the tragic destiny that awaited him and Katherina. He wanted to seek the help of the legendary woman but soon, he realized that all his efforts to find her were in vain. "At ngayon, hindi ko mabasa kung ano ang pinaplano niya - but I have prepared myself for the worst. And I have realized one thing."
![](https://img.wattpad.com/cover/91667715-288-k507066.jpg)
BINABASA MO ANG
Takipsilim
FanficYael Romualdez is destined for greatness. Siya ang pinakahihintay na sugo ng mga Ahren - mga taong may dugong anghel na ang misyon ay puksain ang kasamaan ng kanilang mga mortal na kalaban, ang mga demonyong Kataha. On his quest to find the chosen K...