Isa lang ang kayang magpalit-anyo sa aming lahat.
Si Cedric.
Clara drove away from the coffee shop. Labis ang pag-aalala na nararamdaman nito.
Alam na ni Cedric na si Katherina ang kahinaan ng sugong Ahren. Anong gagawin ko? Kailangan ko siyang maunahan.
He can't be planning to harm Katherina, right? Baka pagsisihan niya ito sa huli.
Agad itong tumawag kay Vic, o mas kilala sa tawag na Vicente Antonio, ang presidente ng Malaya University.
"Vic, we need to talk. It's about Katherina."
"You sound urgent. Do you want me to meet you now?" Halata ang pag-aalala sa boses ng lalaki.
"No, I'm already tired." It has been a long night for Clara. She dealt with two powerful people tonight - una, ang pagwawala ni Cedric sa kanilang pagpupulong at pangalawa, ang pakikipagusap niya kay Yael tungkol sa relasyon nito sa anak. "Pero kailangan ko nang magmadali sa paghahanap ng impormasyon, Vic. Let us just meet tomorrow. Anong availability mo?"
"Tomorrow's jam-packed dahil may accreditors na darating sa Malaya. Shall we meet for dinner, then?" Ika ng lalaki sa kabilang linya.
"Dinner it is. Just text me the location." Bumuntong-hininga si Clara.
"I'll just fetch you from your office at 6."
"Okay. Pasensya na Vic sa sobrang abala. Ang dami ko nang pabor na hinihingi sa'yo."
"Anything for you, il mio amore."
Kahit papaano ay napangiti si Clara. "Grazie. See you tomorrow."
At ibinaba nito ang kanyang telepono.
When she reached their home, agad niyang hinanap si Katherina sa kanilang kasambahay na si Manang Feliza.
"Natutulog na siya, Clara." Ika ng matanda. "Medyo matagal bago ko siya napatulog dahil inatake na naman kasi siya ng hika. Napapadalas na."
Napapikit si Clara. Agad itong umakyat sa kwarto ng anak.
There, she saw Katherina sleeping soundly, ngunit halata sa mukha nito ang pagod mula sa atake ng hika. Umupo ito sa bakanteng parte ng higaan ng dalaga.
"I know I am crazy for doing this." Bulong nito. "But I already asked help from Yael to protect you." Alam ko magiging malaki ang kapalit nito, pero bahala na. "Desperada na ako. I will protect you at all costs, baby. Not just because I promised to, but because I love you."
Gently, she planted a kiss on Katherina's head before she left the room.
-----
Katherina woke up the next morning to the sound of cooking downstairs.
May bisita ba kami? Bakit nagluluto si Manang Feliza? I remember telling her before na sa school na ako mag-aalmusal.
Nagtataka ang dalaga sapagkat ang kanyang ina ay hindi rin naman halos nag-aalmusal sa kanilang bahay.
The aroma of coffee, fried garlic, eggs, sausages, and bacon filled her kaya't nakaramdam na rin siya ng gutom. Nagsuklay lamang siya at naghilamos bago lumabas ng kanyang silid at magtungo sa kusina.
Katherina's jaw dropped with what she saw.
It was Yael, cooking breakfast in their kitchen.
Nakatalikod ito sa dalaga. He was wearing a simple white shirt, jeans, and sneakers. Napatulala si Katherina sa matipunong likod ng kasintahan.
BINABASA MO ANG
Takipsilim
FanfictionYael Romualdez is destined for greatness. Siya ang pinakahihintay na sugo ng mga Ahren - mga taong may dugong anghel na ang misyon ay puksain ang kasamaan ng kanilang mga mortal na kalaban, ang mga demonyong Kataha. On his quest to find the chosen K...