Chapter 63: Face-Off

1.3K 91 25
                                    

Kristina Romualdez was praying hard for her son, Yael, and for his fellow Ahrens who were in war with the Katahas. She knew her son is the strongest among their kind but the mother in her could not help but worry as he faced the most challenging part of his life yet.

"Diyos ko, huwag Niyo pong pababayaan ang anak ko at ang mga kasamahan niya." Her eyes were closed and her hands were folded together. Ilang araw na mula noong umalis sina Yael at lalong tumitindi ang pag-aalala ni Kristina sa bawat minutong lumilipas na hindi kapiling ang kaisa-isang anak. She wrapped herself with a cream-colored scarf which Yael gave her as a birthday present from years ago.

"Tin." Narinig niya ang boses ng asawang si Ricardo na tumatawag sa kanya sa labas ng kanilang tent. "Nandito na ang mga kasamahan nating Ahren na nasugatan sa nakaraang engkwentro laban sa mga Kataha. Nandito na rin ang mga katawan ng mga hindi nakaligtas."

Bakas sa boses ng lalaki na pinipilit nitong magpakatatag. Habang wala ang sugong Ahren ay si Ricardo Romualdez ang tumatayong pinuno ng mga naiwan nilang kalahi sa kabundukang iyon.

Lumabas ng tent si Kristina at agad na dinaluhan ang mga sugatang Ahren. Bilang doktor, isa siya sa mga nanguna sa pag-aasikaso sa mga pasyente.

Wounds were redressed, medications were provided, and the injured were given appropriate attention one-by-one. Hindi alintana ni Kristina kahit ilang oras na siyang dumadalo sa mga pasyente.

Ordinaryong tao lamang ang babae na noo'y walang kamalay-malay na mayroong mga Ahren at Kataha sa mundo. Nakilala niya si Ricardo noong minsang isinugod ang huli sa ospital matapos ang isang engkwentro laban sa mga Kataha. Ang pinalabas na kwento ay nasaksak nang ilang ulit si Ricardo nang madamay habang umaawat sa isang away sa bar, ngunit alam ni Kristina na ang mga sugat na natamo nito ay hindi galing sa kutsilyo.

Her naturally curious self became intrigued by what really caused his almost fatal injuries given it was her first time to encounter a case like that of Ricardo. No matter how hard she tried to know what truly transpired, she got nothing.

It came to a point when it was almost an obsession for her. Sinundan niya si Ricardo saan man ito magpunta.

He then confronted her when he could not hold it anymore.

"I just need to know what caused your wounds! Halos mamatay ka na! Alam kong hindi iyon mga simpleng saksak lamang. Was it an animal attack? Imposible, dahil nasa siyudad tayo!" Kristina argued. "I found it so hard to heal you, and if you could just let me know what was the real cause of your injuries, then titigil na ako sa pagsunod sa'yo! Kailangan kong malaman dahil paano kung may mga magiging pasyente pa ako sa hinaharap na mas malala pa sa tinamo mo? Kailangan kong malaman ang tunay na dahilan para mapag-aralan ko ang tamang lunas sa mga ganoong uri ng sugat. Please Mr. Romualdez. I'm dying to know the truth."

And as fate would have it, a Kataha appeared before the two. The answer that Kristina wanted was there right in front of her.

Naglaban si Ricardo at ang Kataha, at ipinagtanggol ng lalaking Ahren ang noo'y takot na takot na dalaga.

"Ngayon, alam mo na." Ricardo said to her coldly after killing the enemy. Ni hindi ito tumingin sa babae. "Makakaalis ka na."

He never wanted to treat her that way, but he knew better than to involve the woman in matters related to Ahrens and Katahas. It was dangerous beyond she could fathom.

When he received no response, he turned around and saw her crying and trembling from fear.

Ricardo felt a pull on his heartstrings.

Unconsciously, he protectively put his strong arms around Kristina. Tumingala ang babae, at nang magtagpo ang kanilang mga mata ay naramdaman nila ang kakaibang pagtibok ng kanilang mga puso sa kabila ng takot at pangamba sa naganap na labanan

TakipsilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon