Chapter 58: Unmasked

1.2K 84 27
                                    

Ika-dalawampu't apat ng Nobyembre.

Nakabibingi ang katahimikan.

Balot na balot ng takot ang buong bansa. Sa loob ng tatlumpu't anim na oras ay ang lahat ng sulok ng bansa ay pinaligiran ng mga pulis, sundalo, at mga taong halatang handa sa pakikipaglaban anumang oras - mga Ahren.

Walang sinuman ang hinayaang lumabas ng kanilang bahay. Ang lahat ay binigyan ng pagkain at tubig na tatagal ng isang buwan. Ang mga naninirahan sa kalsada ay tinipon at pinatuloy pansamantala sa mga pampublikong paaralan.

Walang pasok sa mga eskwelahan, mga negosyo, at mga kumpanya. Wala na ring hinahayaang makalabas at makapasok ng bansa. Wala ni isang sasakyan ang makikita sa mga kalsada bukod sa mga tangke ng sundalo, mga ambulansyang nakaabang anumang oras, at ilang sasakyan ng mga pulis.

It was as if the whole country was on a lock-down and the civilians had no idea what was going on.

Nagdulot ito ng labis na takot sa mga tao ngunit wala silang magawa dahil bigla na lamang nagdeklara ng batas-militar ang pangulo, dahil na rin sa sunud-sunod na patayan at pag-atakeng naganap noong mga nagdaang buwan kung saan libo-libo ang namatay.

"Sinigurado na ba ninyong wala nang sibilyan ang naiwan sa kalsada? Ang bawat siyudad at lalawigan ba ay may sapat na bilang na ng mga sundalo, pulis, mga doktor at nurse?" Striktong tanong ni Yael sa pangulo ng bansa na si Ramon Madrigal. Kasalukuyang nag-uusap ang dalawa sa pamamagitan ng video call.

"Yes, chosen Ahren." Sagot ni Ramon sa binata. "Maraming salamat sa mga ipinadala mong Ahren upang tumulong magbantay."

The President's voice trembled, and his hands were cold. "We are also trying our hardest to manage the public's reaction over this. Hindi maiiwasang magdulot ito ng takot sa kanila."

Agad itong nagpawala ng malalim na hininga.

"Do not show your fear to your people. Ngayon nila kailangang-kailangan ang tatag mo." Yael's eyes were as cold as ice. "Ihanda ninyo ang inyong mga kalooban dahil anumang oras ay maaaring umatake na ang mga kalabang Kataha. Gagawin namin ang lahat upang ubusin ang lahat ng kalaban."

Hindi na nakita pa ng Pangulo ang reaksyon ng sugong Ahren sapagkat pinatay na nito ang tawag.

▪️▪️▪️

Nakaupo si Yael sa kanyang opisina sa kabundukan na malalim ang iniisip.

Bakit hindi ko naramdaman na ang mag-asawang Veronica at Simon ay patay na at ang mga nakasalamuha namin ay mga Katahang nagpapanggap lamang na sila? Bakit hindi ko naramdaman ang presensiya nina Hunter at Tita Clara sa San Isidro?

Is their concealment spell that strong?

Hindi maaari. Sa lahat ng mga Katahang nakilala ko, maliban kay Katherina, ay nakaramdam ako ng kakaiba. Kahit gaano pa kalakas ang mahikang ginamit nila upang itago ang kanilang presensiya ay dapat naramdaman ko.

Kumuyom ang palad ng sugong Ahren. Someone is behind all of this.

Is it Cedric?

Hindi. Sigurado akong wala siya sa doon nung gabing iyon.

Suddenly, someone called from the outside.

"Yael. Nandito na ako." Isang pamilyar na boses ang narinig ng binata.

"Come in, Regan."

If there was one person that Yael trusted the most in this crucial moment, it was Regan.

TakipsilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon