"Ugh. Hangover."
Maia woke up with a bad headache. Nagulat siya sapagkat maayos na siyang nakahiga sa kanyang kama at nakapantulog na rin. Ang huling alaala niya bago matulog noong nagdaang gabi ay nasa couch siya sa kanilang sala. Mabuti na lamang at wala siyang pasok nang araw na iyon.
She got hold of her phone and found a message from Yael.
She didn't bother to reply to her bestfriend. Bumangon na ang dalaga at naupo sa gilid ng kanyang kama. Nakatulala lamang ito.
Nalasing man ang dalaga ay tandang-tanda niya ang lahat ng pangyayari kagabi. She cannot forget how sweet Yael and Katherina were, and it killed her inside. Pinilit niyang maging matatag noon ngunit hindi rin niya nagawa.
Huh. Ang desperada ko. Binully ko pa talaga si Katherina para ihatid ako ni Yael. Sa isip-isip nito. "But it's a shame how she's such a pushover."
Naalala rin niya kung paano siya nagmakaawa kay Yael kagabi na huwag siyang iwanan ngunit si Katherina pa rin ang nasa isip nito. Napasapo siya sa ulo sa inis sa sarili.
"Bwisit. Bwisit!" She recalled how she talked to Katherina nang maiwan silang dalawa sa lamesa. The shock and fear on the latter's face was so apparent.
"Pretending to be a lamb, huh. Nakakadiri ka! Bakit ka ba mahal ni Yael!" Galit na galit na inihagis ni Maia ang kanyang telepono sa pader.
May kumatok sa kanyang pintuan at agad niyang binuksan ito. It was Yaya Meding.
"Maia anak, may problema ba? Ano yung kumalabog nang malakas?" Nag-aalalang tanong ng matanda. Kasambahay ito nina Yael mula pa noong isilang ang binata, at parang anak na rin ang turing nito kina Sam, Regan, at Maia.
"Wala po, Nanay Meding. Masakit lang ang ulo ko kaya nabagsak ko ng malakas yung phone ko." Pagdadahilan ni Maia. Napasapo ito sa noo sa sakit ng ulo.
"Ganun ba anak, halika sa baba. Ipinaghanda kita ng almusal. May buko juice ka rin doon para mawala ang hangover mo." Ika ni Yaya Meding. "At nandyan si Regan sa baba, hinihintay ka."
"Si Regan?" Nagtataka si Maia. She found it strange that Regan would be visiting her at this time during a school day.
Bumaba si Maia sa kanilang sala to find Regan waiting, staring at her with a blank expression.
"We need to talk." Seryosong sabi ng binata.
-----
Walang imikan sina Yael at Katherina habang lulan ng sasakyan. Patungo sila sa Malaya nang umagang iyon. An awkward silence filled the atmosphere mula nang umalis sila sa bahay nina Katherina.
Hindi na nakatiis si Yael. "Love. I am so sorry."
"Okay lang ako, Yael. Hayaan mo na yun." Katherina answered without looking at him. She smiled at him ngunit halata sa mga mata nito ang lungkot, at hindi maiikaila na magdamag itong umiyak.
BINABASA MO ANG
Takipsilim
Fiksi PenggemarYael Romualdez is destined for greatness. Siya ang pinakahihintay na sugo ng mga Ahren - mga taong may dugong anghel na ang misyon ay puksain ang kasamaan ng kanilang mga mortal na kalaban, ang mga demonyong Kataha. On his quest to find the chosen K...