(A/N: The first part of this chapter contains scenes that happened during the time of the first chosen Ahren, Benedicto Romualdez. You may read the Prologue again before starting this one.)
TAONG 1895
Kalat na sa lahat ng mga Kataha sa buong bansa ang pagkasawi ng mag-asawang Juanito at Miranda Hontiveros sa kamay ng unang sugong Ahren, si Benedicto.
Ang mag-asawa ang pinakamalakas sa kanilang lahi sa panahong iyon, at ang kanilang pagkamatay ay hudyat na dapat nang mag-ingat ang mga Kataha kung ayaw nilang maubos ang kanilang lahi.
"Para tayong naputulan ng dalawang mga paa sa pagkamatay ng aming ama at ina," Pahayag ni Emilio Hontiveros, ang panganay na anak ng mag-asawa. Ito ang lolo sa tuhod ng magkakapatid na sina Lucille, Clara, at Diana.
Nagpupulong sa isang liblib na kweba ang mga Kataha. Nang mabalitaan ang kamatayan ng kanilang mga pinuno ay nagtipon-tipon ang mga ito upang magtago sa mga Ahren, sa utos na rin ni Emilio na siya nang tumayong lider ng mga taong demonyo.
"Tao lamang ang mga Ahren at wala tayong dapat na ikatakot sa kanila," Matamang wika nito. Namamayani sa mga mata nito ang galit. Lahat ng mga Kataha ay tahimik na nakikinig sa kanya, handang sumunod anuman ang kanyang susunod na hakbang. "Ngunit aminado akong ang pagkagising ng sugong Ahren na si Benedicto ay isang malaking babala para sa ating lahat. Alam kong lahat kayo ay puno ng galit sa ngayon pero utak ang pairalin natin. Hindi tayo pwedeng humina pa dahil kailangan nating ihanda ang ating mga sarili sa pagsilang ng sugong Kataha isandaang taon mula ngayon. Kailangan nating paramihin pa ang ating lahi."
"Pero nasaan ba ang propesiya, Emilio?" Isang nakatatandang Kataha ang nagtanong. Halata ang pagkabahala sa boses nito. "Alam lang natin na isandaang taon mula ngayon ay isisilang ang sugo at manggagaling iyon sa inyong pamilya. Pero wala na tayong maalalang iba dahil may nagnakaw ng propesiyang isinulat ng inyong ama sa ating mga isipan."
Kumuyom ang mga kamao ni Emilio. "Sino man ang nasa likod noon, sisiguraduhin kong mamamatay siya sa mga kamay ko."
Sa sandaling iyon ay napahawak si Amaia, ang nakababatang kapatid ni Emilio, sa kanyang tiyan. Tahimik at mahinhin ang dalaga, at bagama't nagdadalamhati rin ito sa pagkamatay ng mga magulang ay nanatili lamang itong walang kibo.
Lumipas ang mga araw, linggo, at buwan. Ang mga Kataha ay nanahimik at nagtago bilang paghahanda sa pagdating ng kanilang sugo.
-----
"Amaia." Binasag ni Emilio ang katahimikan habang sila ay magkasalong kumakain ng kaniyang kapatid. Kasama nila sa mesa ang tatlong munting anak ni Emilio at ang asawa nito na isa ring Kataha.
Walang sagot mula sa dalaga at ni hindi nito tiningnan ang kanyang kuya.
"Huwag mo akong ginagawang mangmang!" Buong lakas na itinaob ni Emilio ang lamesa. Napuno ang kusina ng ingay ng mga pinggan at basong nabasag.
"Kuya..." Nagsimulang humagulgol ang dalaga.
"Akala mo ba ay hindi ko ramdam na may ipinagdadalantao ka?!" Inilapit ni Emilio ang kanyang mukha sa mukha ng kapatid at nanlilisik ang mga mata nito. Si Amaia ay awtomatikong napayakap sa kanyang tiyan na nagsisimula pa lamang na umusbong. "Anong kahangalan ito? Bakit may dugong Ahren na nananalaytay sa dugo ng anak mo?!"
"Itigil na natin ito, Kuya Emilio. Mamuhay na lamang tayo nang parang normal na mga tao!" Buong pagmamakaawa ni Amaia.
"Isa kang malaking hangal!" Malakas na sinampal ni Emilio ang kapatid na naging dahilan ng pagkatumba ng huli.
BINABASA MO ANG
Takipsilim
FanfictionYael Romualdez is destined for greatness. Siya ang pinakahihintay na sugo ng mga Ahren - mga taong may dugong anghel na ang misyon ay puksain ang kasamaan ng kanilang mga mortal na kalaban, ang mga demonyong Kataha. On his quest to find the chosen K...
