Chapter 19: Instincts. Suffering.

1.8K 110 11
                                    

It has been two weeks since Katherina got discharged from the hospital.

Everything went back to normal except for Sam, who was still under comatose. Mula ICU ay nailipat na ito sa isang private room.

"Mr. and Mrs. Martinez, your son is in a stable condition now. We did everything to help him regain the blood and strength he lost. Anytime from now ay maaari na siyang magising. As always, we will firmly keep our eyes on him."

Nakahinga ng maluwag ang mga magulang ni Sam, sina Yael, Katherina, Maya, at Regan.

Araw-araw ang pagbisita nina Yael kay Sam. Kinakausap nila ito ng parang normal lang tulad ng bilin ng doktor sa kanila.

"Pre, ang hirap mo talagang gisingin. Bangon na huy!" Biro ni Yael sa kaibigan. Nakangiti ito ngunit ang totoo ay nakakaramdam pa rin ito ng kaunting pagsisisi na hindi niya naipagtanggol ang kaibigan nang gabing iyon.

But I have to save Katherina too, an inner voice in his head is telling him.

"Oo nga, Sam! Grabe tuwing may lakad tayo, ikaw ang pinakamahirap gisingin." Umupo si Maia sa puwang sa gilid ng kama ni Sam. Her eyes softened when she looked at her friend. "Napakaconsistent mo. Miss ka na namin."

"Besides Sam, you don't wanna miss next week's event! 21st birthday na ni Yael." Regan said. "Di pa natin nappractice yung surprise dance number natin!"

"May surprise dance number kayong dalawa?" Yael raised one eyebrow, looking at Regan as if the latter is turning lunatic. He cannot imagine his genius friend dancing, let alone doing it with Sam. Alam nitong puro kalokohan lang ang matalik na kaibigan.

Tumawa si Regan. "Kidding bro, baka hindi ka na umattend ng sarili mong party pag sumayaw kami ni Sam!"

"Oh, trust me. I wouldn't miss it for the world." Sagot ni Yael.

Nagtawanan ang lahat.

"Sam, bangon na. Three days from now lalabas na yung resulta ng painting competition na sinalihan ko." Katherina looked at her friend, smiling. "Manalo o matalo, dinner's on me!"

Pinisil ni Yael ang kamay ni Katherina. Nagtinginan ang dalawa at ngumiti sa isa't isa.

Maya looked away when she saw the two.

Halos araw-araw mula nang makalabas ng ospital at manumbalik ang sigla ni Katherina, magkakasama silang apat sa pagbabantay sa kaibigan. Maya tried her best to be friendly to Katherina, kahit masakit sa loob nito ang nakikitang pagtingin ni Yael dito.

Regan is still the same, ngunit napapansin ni Katherina ay madalas itong nakatingin sa kanya nang may lungkot sa mata, when he thinks she isn't looking.

Isang linggo na lamang at ika-dalawampu't isang kaarawan na ni Yael. It will be a big celebration because it's the year when finally, he will gain all his true strength and powers as the chosen Ahren.

Malaking paghahanda ang ginagawa ng pamilya ni Yael at ng iba pang miyembro ng mga Ahren bilang paghahanda dito.

Masaya na sana ang lahat ng mga Ahren ngunit iisa ang kanilang hiling bago ang kaarawan ni Yael - ang magising nang muli ang matalik na kaibigan ng kanilang sugo.

-----

One morning, Regan was left to stay with Sam. Umuwi muna ang mga magulang nito at nagpahinga sandali. Sina Yael, Katherina, at Maya naman ay pumasok sa kanilang mga klase.

Tahimik na nagbabasa ng libro si Regan nang mapansin nitong tila gumalaw ang hintuturo ng kaibigan.

Agad nitong sinarhan ang libro at mabilis na lumapit sa kaibigan. Muling gumalaw ang kanang hintuturo nito.

TakipsilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon