Yael was waiting for Katherina outside the College of Fine Arts' Dean's Office.
Sa kasalukuyan ay ipinapaalam na ng dean nina Katherina kung nanalo ang dalaga sa painting competition o hindi.
Please, please. Let her win. Tahimik na dasal ni Yael.
Bumukas ang pinto at nakita niya si Katherina, bagsak ang mukha.
Oh no. Kinabahan si Yael sa nakita.
"Yael..." ika ni Katherina.
Hindi alam ng binata kung paano aaluin ang dalaga.
"You did your best, Ka--"
"I WON! CHAMPION!" She exclaimed.
Nagliwanag ang mukha ni Yael. "Best actress ka na rin pala ngayon." Natatawang sabi niya.
Unconsciously, the two hugged tightly.
"I'm proud of you always, angel." Yael said.
"Thank you, Yael. Thank you!" Katherina hugged him more tightly.
Sa sobrang tuwa ng binata ay nabuhat niya ang dalaga habang yakap niya ito. Nagtitinginan na ang mga tao sa kanila ngunit wala silang pakialam, because this is a beautiful moment between them.
Muling bumukas ang pinto ng Dean's Office.
"Dean!" Namula si Katherina nang makita niyang nakatingin sa kanila ni Yael ang kanyang Dean.
Nakangiti ang matandang dean at nakatingin ito kay Yael. "So, ikaw pala yun."
Namula ang pisngi ng dalaga.
"Alin po?" Takang tanong ni Yael.
"Ms. Hontiveros, I knew from the start that you would bring pride to your Alma Mater. Your professors would be delighted to know about this. Pupunta ako sa faculty office ngayon to bring the good news."
"Thank you, Dean!" Sagot ng dalaga.
"Angel.." Sambit ni Yael nang makaalis na ang dean. "Ano yung sinasabi ni dean?"
"Uhm, w-wala.." Namumula ang dalaga.
"Ano nga y--"
*Phone rings*
"It's Regan." Yael said to Katherina before he answered his phone.
Thank you Regan! Woo! Nakahinga ng maluwag si Katherina.
"Dude. Napatawag ka. Everything okay?" Sabi ni Yael sa kausap.
"Yael. Sam's awake!"
"Really? Good! How is he?"
"Okay naman. Makulit na ulit." Rinig ang pagtawa ni Sam mula sa kabilang linya na siyang ikinatuwa ni Yael.
"We'll go there now." Nakangiting sabi ni Yael. "Kath also has good news."
"Great! See you! Tatawagan ko na rin si Maya. Tito and Tita are now on their way here."
"See you. Bye."
Ibinaba na ni Yael ang telepono. Ngumiti ito kay Katherina.
"Sam's already awake. At makulit na daw ulit."
Muling nagliwanag ang mukha ng dalaga.
"This is such a great day! Dinner's on me! Let's bring lots of food there." Nakangiti nitong sabi kay Yael.
BINABASA MO ANG
Takipsilim
Hayran KurguYael Romualdez is destined for greatness. Siya ang pinakahihintay na sugo ng mga Ahren - mga taong may dugong anghel na ang misyon ay puksain ang kasamaan ng kanilang mga mortal na kalaban, ang mga demonyong Kataha. On his quest to find the chosen K...
