Chapter 55: Hypocrite

1.5K 107 28
                                        

Two months later.

"Kaninang alas-otso ng umaga ay nagdeklara na si Pangulong Ramon Madrigal ng State of National Emergency matapos ang sunud-sunod na patayang naganap sa iba't ibang panig ng bansa. Ayon sa tala ng gobyerno, tinatayang nasa mahigit isanlibong katao na ang karumal-dumal na pinaslang ng hindi pa nakikilalang grupo sa nakalipas na apat na linggo. Ang palagay ng mga pulis at ng militar ay pangkat ito ng mga terorista sapagkat grupo-grupo sila kung umatake sa iba't ibang bayan at siyudad sa Pilipinas. Ngunit ayon sa iilang nakaligtas sa mga pag-atake ay animo'y mga halimaw ang mga berdugong ito, na may mahahaba at matutulis na kuko, mapupulang mga mata, at may kakaibang lakas. Wala pang sapat na ebidensya upang patotohanan ang sinasabi ng mga nakaligtas. Ilang daang pulis at sundalo na rin ang nagbuwis ng kanilang mga buhay sa pakikipaglaban. Nagpahayag na rin ng pagtulong ang iba't ibang mga bansa, kabilang na ang Amerika at Japan, sa pamamagitan ng pagpapadala ng kanilang pwersa upang labanan ang mga walang-awang kriminal. Sino nga ba sila at ano ang kanilang pakay? Totoo bang mga halimaw sila at hindi lamang ordinaryong terorista? Habang wala pang kasagutan ang mga tanong na ito, ang lahat ay pinakikiusapang manatili sa kanilang mga tahanan at huwag lumabas hangga't maaari. Pansamantala munang suspendido ang klase sa mga pribado at pampublikong paaralan sa lahat ng antas. Mag-ingat po tayong lahat, manatiling alerto, at ligtas. Patricia Buenaventura, SBA-NBC News."

Yael let out a defeated sigh after turning off the television. Isang buwan matapos siyang umuwi mula sa bayan ng San Isidro ay nagsimula na ang sunud-sunod na pag-atake ng mga Kataha sa iba't ibang lugar. Pinupuntirya ng mga ito ang mga pamilya ng mga Ahren at bagamat lumalaban ang huli ay hindi pa rin iyon sapat upang matalo ang itim na mahika at lakas ng mga taong demonyo. Nagimbal sina Yael at ang kanyang mga kasamahan sapagkat hindi nila inasahan na ganoon kalakas ang pwersa ng kalaban, at kahit na nakakapatay sila ng mga kalabang demonyo ay mas marami pa rin ang nasasawi sa kanilang grupo, kabilang na ang mga Ahren sa kapulisan at sa militar. Kaya naman nagpasya na ang sugong Ahren na dalhin sa kabundukan ang karamihan sa kanyang mga kasamahan upang doon lubusang magsanay at maghanda para sa nalalapit na digmaan, habang ang ilan pang Ahren, lalo na ang mga miyembro nilang pulis at sundalo, ay naiwan upang bantayan ang mga sibilyan.

"This is not yet the peak of it, Yael. That, I am sure of." The worried and stressed face of the president of the country, Ramon Madrigal, was flashed on his video call on Yael's laptop.  Isa ring Ahren ang pinuno ng bansa. "Ilang araw na lamang at magigising na ang sugong Kataha, at paniguradong higit pang lalakas ang kanilang pwersa pagsapit ng oras na iyon. The current situation is causing a great deal of panic and distress among the civilians. Napakarami na ring inosenteng buhay na nadamay. Oo, nagpakalat na ako ng mga pulis at sundalo upang magbantay sa mga tao, at ikaw man ay inutusan na rin ang mga Ahren sa bawat lugar na manatiling alerto at lumaban sa oras na may umatake. Pero paano tayo makasisiguro na sa pagsisimula ng tunay na digmaan ay hindi tayo matatalo kung ngayon pa lang ay tila kayang-kaya na nila tayo? I cannot afford to lose more citizens, chosen Ahren."

Yael kept a straight face. "Naiintindihan ko ho kayo, Sir. Hindi rin ito madali para sa amin. A lot of things are at stake here. The Ahrens are spread out evenly, at meron ding namumuno sa kanila kada rehiyon. Pinili kong mabuti ang mga pinunong iyon ayon sa kanilang kakayahan sa pakikipaglaban. I hate to say this, but without the Ahrens there..." The chosen Ahren paused and cleared his throat. "The number of victims could have been worse. May kapangyarihan ang mga kalaban ngunit kahit mga tao lamang tayo ay ginagawa naman natin ang ating makakaya upang labanan sila."

Bumuntong-hininga ang Pangulo ng bansa.

"Sana ay maintindihan rin ninyo kung bakit kinailangan naming manatili muna dito sa bundok. Sa araw na magsimula na ang tunay na digmaan ay higit kaming kakailanganin sa baba. Kailangang maging puspusan ang aming paghahanda para dito. Ang mga natirang Ahren dito sa bundok ay sinasanay nang maigi para sa darating na digmaan. Piling-pili ang mga ito. They are highly-skilled experts sa iba't ibang larangan. We will do our very best para hindi na dumami pa ang mga biktima." Ika ng binata.

TakipsilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon