Yael Romualdez is destined for greatness. Siya ang pinakahihintay na sugo ng mga Ahren - mga taong may dugong anghel na ang misyon ay puksain ang kasamaan ng kanilang mga mortal na kalaban, ang mga demonyong Kataha.
On his quest to find the chosen K...
"The subscriber cannot be reached. Please try again later." Hindi mapakali si Yael sapagkat ilang beses na niyang sinusubukang tawagan si Katherina upang kamustahin ito, ngunit hindi sumasagot ang dalaga. Kasalukuyan siyang nasa airport kasama ni Regan dahil patungo sila sa London ng tanghaling iyon.
Hindi alam ni Katherina ang lakad na iyon ni Yael. Nais ng binata na makausap ang Vasilissa Sofia upang personal na pakiusapan ito na tulungan silang pigilan ang nakasaad sa propesiya.
"What's wrong, Yael?" Regan asked.
"Hindi sumasagot si Kath sa mga tawag ko. Mukhang nakapatay ang phone niya." He sighed. "Nag-aalala ako.." Hindi gusto ni Yael ang kabog ng dibdib niya sa oras na iyon. Malakas ang pakiramdam niya na nasa hindi maayos na sitwasyon ang dalaga.
"Good afternoon passengers. This is the pre-boarding announcement for Manila Airlines Flight MA2526 to London. We are now inviting those passengers with small children, and any passengers requiring special assistance, to begin boarding at this time. Please have your boarding pass and identification ready. Regular boarding will begin in approximately ten minutes time. Thank you."
Ilang minuto na lamang at sasakay na sina Yael ng eroplano. He wanted to make sure that before he leaves ay maayos at ligtas si Katherina ngunit hindi niya ito makausap.
He kept on fidgeting on his phone and tapping his fingers on the metal chairs while waiting.
"You want me to ask Sam to look after her?" Regan offered.
"NO. Huwag." Tila nagulat din si Yael sa sinabi. "S-sorry. Everything...everything is different now, Regan. I just can't trust any Ahren to be near her. Sana maintindihan mo ako." Yael said apologetically.
Regan smiled sadly and tapped Yael's shoulder. "I am so sorry for everything, Yael. Yes, naiintindihan kita." He wanted to assure his friend that everything will be okay, but even him does not know what will happen in the coming days.
They were about to stand up nang tumunog ang cellphone ng sugong Ahren.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Kahit papaano ay nakahinga ng maluwag ang binata ngunit hindi pa rin mawala sa kanya ang pag-aalala.
Katherina, I will be back soon.
Ipinapangako ko, gagawin ko ang lahat para ayusin ito. Para pigilan ang nakasulat sa propesiya.
-----
Katherina was crying non-stop as she sent her message to Yael. She decided to turn her phone on again to text him, upang hindi ito mag-alala. Kilala niya si Yael, at alam niya ang mga maaari nitong gawin kapag nag-aalala ito sa kanya.
Pinili na lamang niyang magsinungaling kahit labag sa loob niya, oblivious of the fact that Yael already knew everything.
Yael, sorry. I'm so sorry. I'm so, so sorry Yael. She continued to cry hard.