Chapter 1: The Beginning of the Prophecy

4.4K 125 22
                                    

100 years later. April 25.

Napakaganda ng panahon noong araw na iyon sa gitna ng tag-araw. Masayang-masaya ang lahat. Ang bawat pamilya na nabibilang sa grupo ng mga Ahren ay may dalang sari-saring regalo, pagkain, prutas, at matatamis sa tahanan nina Lucas Romualdez, ang kaisa-isang apo ni Benedicto Romualdez. Ito ang nagsisilbing pinuno ng mga Ahren sa modernong panahon. Isa ring Ahren ang asawa nitong si Carmela.

Lahat ng mga tao ay nakabihis ng maganda at may ngiti sa mga labi.

Isinilang na si Yael, ang pinakahihintay na sugo ng mga Ahren.

Napakatamis ng ngiti ng mag-asawang Lucas at Carmela habang tinitingnan ang lalaking apo. Punung-puno ng pagmamahal ang silid na kinalalagyan nila. Ang sanggol na si Yael ay mahimbing na natutulog sa tabi ng kanyang inang si Kristina, isang ordinaryong tao na yumakap sa kultura ng mga Ahren. Ang anak ng matatandang Romualdez na si Ricardo ay hindi rin mapawi ang ngiti habang tinitingnan ang asawa at anak.

"Ricky, the guests are already waiting downstairs. Nais sana naming ipasilip na sa kanila si Yael." Masayang sabi ni Lucas sa anak na si Ricardo.

"Yes, Pa. This day means a lot to all the Ahrens. Malaking bagay para sa kanila ang masilayan si Yael sa unang pagkakataon." Sagot nito.

"Kristina, anak, pahiram muna sa apo ko ha? Ipapakilala ko lamang sila sa ating mga kagrupo." Ika ni Carmela sa manugang na babae.

"Wala pong problema, Mama." Nakangiting sagot ni Kristina.

Maingat na binuhat ng matandang babae ang apong si Yael at dinala sa labas ng silid. Sumunod sa kanila ang anak na si Ricardo.

Batid ang pagliwanag sa mukha ng lahat ng mga Ahren nang masilayan ang sanggol. Babae man o lalaki, bata man o matanda, ay tuwang-tuwa sapagkat ang kanilang sugo ay isinilang na rin, matapos ang isandaang taon na paghihintay.

"Mga kapwa ko Ahren, ang batang tinutukoy ng ating unang sugo na si Benedicto Romualdez ay nandito na sa ating piling. Siya ang ibinigay ng Panginoon upang puksain ang mga masasamang Kataha at magbalik sa kapayapaan ng mundo. Malugod kong ipinapakilala sa inyo ang aking apo, si Yael." Buong pagmamalaki ni Lucas Romualdez.

Masigabong nagpalakpakan ang mga Ahren. Nagsimula na ang piging.

Napakasaya ng araw ng kapanganakan ni Yael Romualdez, ang sugo ng mga Ahren.

▪️▪️▪️

100 years later. November 26.

Napakalakas ng bagyo sa labas. Humihilab na ang tiyan ni Diana. Ilang sandali na lamang ay manganganak na siya. Sa loob ng silid na iyon ay apat lamang sila - siya, ang kanyang mga nakatatandang kapatid na sina Lucille at Clara, at isang doktor.

"Mga ate, nasaan na raw si Miguel?" Tanong ni Diana sa mga kapatid. Hapong-hapo ang mukha nito. "Sabi niya ay aalis tayo agad at magpapakalayo pagkatapos kong isilang ang aking anak."

"Maghintay ka lamang, Diana. Magkakasama rin kayo maya-maya." Nakangiting sagot ni Lucille sa kapatid.

Si Lucille, Clara, at Diana Hontiveros ay magkakapatid na Kataha. Sila ay mga apo sa tuhod ni Juanito Hontiveros. Si Miguel na isang ordinaryong tao ay minahal si Diana nang buong puso sa kabila ng pagkatao nito.

Si Diana ay isang Kataha na hindi masaya sa kung ano siya. Mabuting Kataha si Diana. Hindi siya kumikitil ng buhay ng iba. Hindi niya ginagamit ang kanyang kapangyarihan. Ito ang dahilan kung bakit lumayo siya sa kanyang pamilya at mga kalahi.

Hanggang sa makilala niya si Miguel Mateo. Isa itong sikat na pintor. Tinanggap ni Miguel si Diana sa kabila ng pagiging Kataha nito. Nahulog ang loob nila sa isa't isa at di naglaon ay nagpakasal din hanggang sa magbunga ang kanilang pagmamahalan.

TakipsilimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon