Chapter 3 [First Day of School]*

3.8K 50 2
                                    

Dedicated sayo dahil... isa kang mabuting kaibigan. Yieee :"> Haha. Sana magustuhan mo :)))

 Thank you Olga :) <3

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

[First Day of School]

*sighs* Wednesday na. Pasukan na ngayon. Imba nga eh. Hindi monday? Tapos di din naka-uniform. Naka-white shirt lang ako na may green na print tapos kinulot ko na rin yung buhok ko para astig. Dejk. Nasanay na kasi ako noon na kinukulot siya.

Pero parang may something. *sighs* Kanina pa ako nakatingin sa salamin. Parang kinakabahan ako eh. Ayaw ko pa atang pumasok. Ayaw ko na ata T___T

Sa States kasi, kilala na nila ako. Alam na nilang ayaw kong makipag-usap. Naintindihan nila na hindi ako katulad nila. alam nilang hindi kami magkakatulad. Eh dito?  Di ito katulad dun na pwede kong gawin ang gusto ko. Tae naman. +__+

Bakit ba kasi friendly ang mga Pilipino? Yun naman ang kinatatakutan ko.

Tapos friend pa ni Tita Alice ang may ari ng school. Nakakahiya pag gumawa ako ng gulo. Not that I'm planning to make one but I'm not 'not' planning either.

Baka maraming epal dun! Geez. I'm not that friendly. Tapos baka kung ano pa ang marinig ko tungkol sa akin. Nako! Lagot talaga sila. Another deep sigh.

Bakit nga ba ang negative ko?

"Chessa!"

"Ay tita. Ano po yun?"

"Anong ano yun? Kanina ka pa hinga ng hinga jan eh. Halika na. Male-late ka na. Saka may sasabihin daw ang Tita Ana mo sa atin." 

"Ah, sige po. Tara na po." Bago ako tuluyang lumabas ng pinto, hiniling ko na sana maging maayos ang lahat. Ayaw kong maging pabigat kay Tita Alice.

After 15 minutes...

Nakarating na kami sa school. Di naman pala ganon kalayo. Siguro, mga 25 minutes kung lalakarin.

Bakit parang wala pang tao? Sabi kanina ni Tita male-late na ako diba? Gulo din niya ah! :3

Nung nakarating na kami sa may gate, binati kami ng mga guards, janitors at isang babae. Mukhang kilala dito si Tita. Ay oo nga palaaa. Naalala kong sinabi niya kahapon na pagmamay-ari niya rin to. 

*o* Ang yaman pala ng Tita ko. Mas mayaman pa yata siya sa amin eh.

"Good morning mam. Welcome to Thornton Academy. Please follow me." Tumalikod na yung babae. Kung titignan siya, mukha siya assistant.

Gangster's &quot;I Hate You&quot;Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon