Chapter 42 [Ghost]*

1.4K 11 0
                                    

[Ghost]

“Bukas ba pwede kang pumunta ulit dito?”

“Gusto ko sana kaso hindi eh. May flight ako papuntang California mamayang gabi. Pinapapunta kasi ako ni Mama eh. Three days ata ako doon tapos paguwi, sasabay na sa akin si Mama.”

“A-ah. So parang susunduin mo siya?”

“Yes. Parang ganun na nga. Sorry ha. Kung hindi lang sana ako nakapagpa-book ng flight, pupunta ulit ako dito. Kaso kasi eh.”Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha niya.

“Ano ka ba! Ayos lang yun. Naiintindihan ko naman eh. Saka diba nga yung village niyo katabi lang ng village namin? Edi pagkadating na pagkadating mo pupuntahan agad kita! Hehe.” Sa sandaling pag-uusap namin kanina, ang dami ko nang nalaman sa kanya. Good thing at malapit lang ang mga bahay namin.

“Sige. Ito. Promise ko, babalik ako. At marami kang pasalubong! Haha.”

“Yun oh!” Nagtawanan kami.

“Saka, ipapakilala na rin kita kay Mama.” Bigla niyang sabi kung saan napatigil ako. Oo. Di pa ako kilala ng mama niya. Siya rin naman, di pa kilala ng parents ko. Noon kasi sa states, masyadong busy ang mga magulang.

Sabi sa akin ni Jetty, nakukwento naman daw niya ako sa parents niya. Pero ako, kahit kalian hindi ko siya nakwento sa parents ko. Eh wala naman silang time sa akin eh. Kay kuya at kay Yaya Sol ko lang siya nakwento.

“B-baka magalit siya sa akin.”

“What?! Syempre hindi noh! For sure, matutuwa pa si mama sayo. Basta chill ka lang.”

“Oo na po. Oh pano? Hatid na kita?” tanong ko sa kanya.

“ =___= Pasaway ka talaga kahit kalian. Ako ang maghahatid sayo at hindi ikaw ang maghahatid sa akin. Tara na.” Tumawa nalang ako. Masyado kasi siyang gentleman kaya naman inaasar ko siya. At naaasar naman siya kapag ganun. Ayaw niya kasi ng pinapahirapan ang mga babae o kung ano pa.

“Tita.” Tawag ko kay Tita Alice ng makita siya na nagkakalikot ng halaman sa may garden.

“Oh hija. Sino yung naghatid sayo?”

“Best friend ko po. Mahabang kwento po eh. Mamaya ko nalang sasabihin. Akyat na po muna ako.” Nag-nod nalang si Tita. Wala siyang kaalam alam sa mga nangyayari. Kahit si Yaya Sol o si Tita Ana.

Nakasalubong ko si Mae sa may hagdan.

“Hi Chessa. Kamusta na? Hindi na tayo masyadong nakakapag-usap.” Tama ang sinabi ni Mae. Medyo bumalik kasi ako sa dati na tahimik.

“Hello. Oo nga eh.” :(

Automatic na yumakap kami sa isa’t isa. Nakakamiss.

Gangster's "I Hate You"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon