Ellow :pp Pagbigyan niyo na ang kahabaan, kadramahan at kakornihan nito XD Birthday ko naman. XD Hahaha. So ito na :)) Asahan niyong may ganito pa sa susunod :D <3
[I Lied] (Part Two)
After ng ilang step kong paglalakad, napatigil ako at tumulo na naman ang mga luha ko.
“Ang sakit.” Sabi ko sa sarili ko saka tumakbo.
Narinig ko na tinawag ako ng ilan pero di ko na sila nilingon at nagpatuloy lang sa pagtakbo. Wala na akong pakialam kung susundan nila ako o hindi.
Wala na din akong pakialam sa mga nakakakita sa akin. Hindi naman siguro nila alam ang dahilan. Wag lang talagang ipapagkalat ng lecheng babaeng yun ang mga nangyari dahil iba na talaga ang magagawa ko sa kanya. Pasalamat nga siya at si Drake lang ang sinigawan ko eh.
“Argh! Bwiset!” Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko at nagdire-diretso na sa lugar na pupuntahan ko.
Saan pa ba? Edi sa garden.
Hindi ko ibinaba ang bag ko para hindi nila madaling malalaman na nandito ako. Hindi rin ako umupo sa bench kundi sa may likod ng isang malaking puno.
“Kuya! Naririnig mo ba ako? Haha. *huk* Ang bait ko na talaga ngayon, kuya. Tinupad ko yung promise ko sayo. Hahaha. *huk* Alam mo ba, kung hindi lang ako nag-promise sayo, baka nasa ibang mundo na sila ngayon. Hahaha. *huk* Joke lang kuya. Haha. P-pero kuya… ano na bang gagawin ko? Di ko na kasi alam. *huk*” :(
*Woooooooossshhh*
Niyakap ko ang sarili ko at patuloy na umiyak. Buti pa si Kuya. Wala man siya sa tabi ko, ramdam kong naririnig niya ako. Alam ko ding may gusto siyang sabihin. Sadly, di ko yun maririnig.
[Hannah’s POV]
“Saan ba nag-punta yun?!” Tanong ni Nech. Lahat kami natataranta na.
“Bakit ba kasi kayo tumakbo agad eh! Dapat kinaladkad na muna natin yung babaeng yun eh!” Naiinis na sabi ni Kelly.
Nako! Sa mga ganitong panahon, lumalabas ang pagka-maldita ko. Hindi lang ako kundi namin lahat. Halatang halata na naiirita kami. Nakaka-g*go kasi eh. Parang nakakagulat. Hindi. Mali. Nakakagulat talaga. Nung isang araw lang, kinantahan pa ni Charles yan si Chessa dun sa bar nila Josh.
Tapos ngayon? Wow! Si Charles at si Raiza na? Ang bilis! Parang may mali eh. Di ko masabi pero… ay ewan! >___<
“Mabuti pa maghiwa-hiwalay tayong maghanap kay Chessa. Hannah tawagin mo si Jm. Hanapin niyo si Chessa sa baba. Kahit saan dun. Cafeteria, garden pati sa gym. Nech magpasama ka kay Josh libutin niyo tong 2nd floor. Pati sa mga lab tignan niyo. Claire, sa 3rd at 4th floor tayo. Isama natin si Mark.” Kanya kanya kaming pagsang-ayos sa sinabi ni Kelly at naghiwa-hiwalay na.
BINABASA MO ANG
Gangster's "I Hate You"
Romance[Keres, the worst girl in the world, brings herself back to life. Life, where happiness exists but pain is unstoppable. But she's determined to hear those three words. When will she hear those? Or when will they?] A perfectly imperfect story writte...