Pasensya na sa mga mali. Woot. Sorry talaga. ^^\/
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
[Sing it from the heart]
[3rd Person’s POV]
Si Chessa...Si Chessa pa nga ba?
Hindi pumasok ang dalaga nung Biyernes kaya naman pinuntahan siya ng mga kaibigan. Pero nakiusap ito kay Mae na sabihing umalis siya at naiwan ang mga gamit. Kahapon naman, nagulat nalang siya ng marinig ang mga kaibigan na nasa baba. Pababa pa lang sana siya nun pero naatras.
*Flashback*
"Grabe. Ang hirap din palang magligpit ng mga kalat. Nakakangawit." Dahil walang magawa si Chessa, naisip nalang niyang maglinis ng mga kalat sa kwarto niya. Ayaw naman niyang lumabas at mag-mall dahil baka makita niya pa ang mga kaibigan.
Lumabas na siya ng kwarto para magtapon ng mga naipong kalat.
"Good afternoon po Tita Alice. Si Chessa po?" Narinig niya ang boses ng isa sa kaibigan.
"Ah! Asa taas siya. Naglilinis ng kwarto niya." Diretsong sagot ng tiyahin. Wala naman siyang alam sa mga nangyayari. Si Mae naman na kasabwat ni Chessa ay busy sa gawaing bahay. "Sige na. Akyatin niyo na." Nag-nod nalang sila at umakyat na.
Dali-dali ay tumakbo si Chessa papasok ulit sa kwarto.
"Hay! >.< Si Tita naman oh! Saan ako magtatago nito?! Ah! Aparador!" Sinubukang pumasok ni Chessa sa aparador pero nagmistulan siyang panis na pagkain dahil isinuka siya ng aparador.
"Siopao! Sa buong buhay ko, ngayon ko lang pinagsisihan na matangkad ako."
"Uy dalian natin!" Narinig ni Chessa na sinabi ni Kelly.
"Ayan na sila! Teka! No Choice na ako magtutulugtulugan nalang ako." Parang praning siya na mabilis na humiga sa kama at nagtaklob ng kumot.
* TOK! TOK! *
"Chessaaaaa." Tawag mula sa labas. Boses ni Claire. "Teka. Baka nasa banyo kaya di tayo marinig. Pumasok na tayo."
"Oo nga. Hindi naman siguro siya magagalit."
*Eeeennkkk* ~ bumukas ang pinto.
"Che-- ay kaya pala eh. Tulog." Sabi ni Hannah nang makita si Chessa.
BINABASA MO ANG
Gangster's "I Hate You"
Romance[Keres, the worst girl in the world, brings herself back to life. Life, where happiness exists but pain is unstoppable. But she's determined to hear those three words. When will she hear those? Or when will they?] A perfectly imperfect story writte...