[Official]
“Anak bukas aalis tayo ha. Pipili tayo ng mga pagkain para sa engagement party niyo.”
“Sige po.” Ngumiti ako.
May kalahati sa sarili ko na nagsasabing okay na. Meron din naman nagsasabi na nahihibang na ako at hindi ko na to dapat gawin. Hindi dahil sa nagdadalawang isip ako tungkol sa kasal o ano kundi dahil sa nararamdaman o mararamdaman ni Jethro.
Hindi kaya masaktan ko lang si Jetty? Hindi. Alam kong hindi.
Hindi ko siya hahayaang masaktan. Kahit anong mangyari, desidido na ako dito.
Minahal ko na siya dati. Hindi imposible na mahalin ko ulit siya ngayon. Feeling ko nga, malaking percent pa rin ng nararamdaman ko sa kanya dati ang natira kahit umalis siya eh.
Fate… friends naman tayo diba? Wag mo na akong pag-tripan.
Ang pinagtataka ko lang, minor age palang kami ni Jetty. Paanong nangyari na pwede na kaming i-arrange? Hmm. I don’t have any idea.
“Wait lang Jetty!” Sigaw ko. Pagkababa kasi ng sasakyan, agad agad tumako siya papasok sa school.
Dahil home school lang siya, kinausap niya yung teacher niya na ibahin yung schedule nila. Ginawang whole day tapos weekends. Kaya ito siya ngayon sumama sa school ko.
Kilala naman ako ni Manong guard kaya hindi na niya sinita si Jethro.
“Bakit ang hyper mo?”
“Kasi gwapo ako. :P Tara na! Hatid mo na ako sa room niyo.” Anak ng! -___- Pasaway.
“Kaya ka masaya kasi ikakasal na tayo?” tanong ko sa kanya. OUT OF THE BLUE. Lamunin na ako ng lupa please!
“Hahaha. Minor palang tayo. Ang alam ko, hindi naman tayo agad-agad ikakasal eh. Excited ka masyado. Hahaha.”
“Ewan ko sayo. Or baka may crush ka sa room namin?! Nako. Share naman dyan!” Tinusok-tusok ko siya sa may bewang.
“Oo meron.” Sabi ko na nga ba eh! “Ikaw.” T-Teka. Wala pala akong sinabi. >////<
“Tara na nga. Baka ma-late pa tayo este ako.” Ang alam ko, makiki-sit in siya sa amin. Maganda na rin yun. At least madadagdagan siya ng kaalaman. Pag tinanong siya ng teacher niya, alam na niya. HAHA.
Nakarating na kami sa room. Room ng section A. Medyo madami na yung tao. Naunang pumasok sa akin si Jetty.
“OMG! Ang gwapoooooo.” Ito na nga ba ang sinasabi ko. Pagkakaguluhan siya. No wonder. Gwapo talaga siya. Matangkad at maganda rin ang pagka-build ng katawan.
BINABASA MO ANG
Gangster's "I Hate You"
Romance[Keres, the worst girl in the world, brings herself back to life. Life, where happiness exists but pain is unstoppable. But she's determined to hear those three words. When will she hear those? Or when will they?] A perfectly imperfect story writte...